25/11/2025
Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Verbena at nakataas pa rin sa Orange Rainfall Alert ang buong lalawigan, suspendido na ang pasok ng PRE-ELEMENTARY hanggang COLLEGE (PRIVATE and PUBLIC) BUKAS, November 26, 2025.
Ayon sa 8pm weather bulletin, nananatiling nakataas ang Signal #1 sa buong lalawigan. Bagaman inaasahan na bukas ay maaari ng mawala ang weather signal dahil sa patuloy na paglayo ng bagyo, nananatiling nasa ORANGE Category ang rainfall warning sa buong lalawigan. Sa kasalukuyan ay baha na ang national highway sa bahagi ng Pinagsabangan 2, Naujan samantalang ang level ng tubig sa Bucayao, Panggalaan at Baco at mataas na sa normal. Naitala din ang malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang bayan at sa kabundukan, na kung magpapatuloy ay maaaring magdala ng mga pagbaha at pag-apaw ng nga kailugan. Para maiwasan ang anumang posibleng aksidente at maisigurado ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o, lahat ng klase ay suspendido. Ito ay ayon na rin sa rekomandasyon ng PDRRMO. Ganundin, ang mga kawani ng pamahalaan na magmumula sa mga lugar na may baha ay excuse din sa pasok bukas.
Ingat po tayo mga Kababayan 🙏🏼