18/06/2026
KAILANMAN AY HINDI ABALA ANG PAGHAHANDA SA MGA SAKUNA
Bagamat nagsimula na ang instructional block kung saan mariing isinasagawa ang tuloy-tuloy at walang abalang mga klase sa mga paaralan, nakibahagi pa rin ang Felimon M. Salcedo Sr. Memorial National High School sa National Simultaneous Earthquake Drill bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng kahandaan, disiplina, at kaligtasan ng buong komunidad ng paaralan.
Isa itong mahalagang hakbang upang matiyak na sa oras ng sakuna, ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan ay may sapat na kaalaman, kahandaan, at kakayahang tumugon nang maayos sa mga sitwasyong maaaring maging banta sa kanilang kaligtasan.