28/11/2025
Lubos po ang aming pasasalamat sa pagpili ninyo sa Magod Elementary School noong Pebrero 2025 bilang beneficiary ng Dear Niño Program sa pangunguna ni Father Ariz Olan, na naging instrumento upang magbigay ng kasiyahan at pag-asa sa aming mga mag-aaral.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga taong nasa likod ng programang ito. Sa mga naglaan ng oras, nagsikap, at nag-sponsor ng mga ipinamahaging pagkain, school supplies, at sports equipment. Tunay pong naghatid ito ng malaking tuwa at inspirasyon, lalo na sa aming mga bata.
Kahit napakalayo po ng inyong lakbayin, hindi po kayo nag-atubiling maghatid ng kasiyahan at suporta sa aming mga estudyante. Hindi po matatawaran ang inyong malaking kontribusyon sa aming paaralan, hindi lamang sa pagpapalakas ng pananampalataya kundi pati sa pagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga bata.
Nawa’y mas marami pa po kayong matulungan at mas maging inspirasyon sa iba, na kahit sa maliit na tulong, nagiging malaki kapag pinagsama-sama para sa kapakanan ng mga kabataan.
Muli, maraming salamat po sa pagpili ninyo sa aming paaralan at sa pagiging bahagi ng inyong makabuluhang programa.