23/05/2026
Nagtulungan ang mga miyembro ng Baldio Cabaruan Farmers Association at Cabalsifa Farmers Association upang kusang maisaayos ang kanilang irrigation system na nasira dulot ng nagdaang mga bagyo noong tag-ulan. Habang hinihintay ang pagkukumpuni at pagtatayo ng mas matibay na istruktura mula sa lokal na pamahalaan, sama-sama nilang isinagawa ang pansamantalang pagkukumpuni upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig para sa kanilang mga sakahan.
Ito ay isang kahanga-hanga at maipagmamalaking halimbawa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng ating mga magsasaka, patunay na buhay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan sa Bayan ng Banna.
Samantala, patuloy ding binibigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Banna ang mga programa at proyektong magpapabuti sa mga pasilidad ng irigasyon, bilang isa sa mga pangunahing pangangailangan para sa mas produktibo at masaganang pagsasaka.