30/03/2026
Isang taos-pusong pagbati sa ating mga nagsipagtapos at mga pinarangalan sa Moving Up, Graduation, at Recognition Rites 2026 ng Bogtong Elementary School na may temang: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao".
Lubos din po naming pinasasalamatan ang ating panauhing pandangal at tagapagsalita na si Madam Jeremy D. Nagal, LPT, sa kanyang makabuluhang mensahe na nagsilbing inspirasyon sa ating mga mag-aaral, gayundin ang ating mga magulang, mga opisyal ng barangay, at mga kasapi ng PTA sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagbunga ng tagumpay. Nawa’y magsilbing gabay ang araw na ito sa patuloy ninyong pag-abot ng inyong mga pangarap.
Mabuhay ang Batch 2026! 🎓✨"