Land Transportation Office - Abra

Land Transportation Office - Abra The Official page of LTO Abra District Office

21/03/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ!

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 πŠπ€π“πŽπ“πŽπ‡π€ππ€π 𝐀𝐍𝐆 πŠπ”πŒπ€πŠπ€π‹π€π“ 𝐍𝐀 πŒπ€π‹πˆππ† πˆπŒππŽπ‘πŒπ€π’π˜πŽπ 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 π‹π“πŽ 𝐍𝐆 𝟏𝟎𝟎% 𝐒𝐀 π‘π„π‡πˆπ’π“π‘πŽ 𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π

Ito po ay MALING IMPORMASYON (FAKE NEWS) na kumakalat ngayon na ang Land Transportation Office (LTO) ay nagtaas ng singil sa pagpaparehistro ng mga sasakyan ng halos 100% nang walang paunang abiso, at sinabay pa umano ito sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Hindi po totoo ang ganitong pahayag. Patuloy po ang LTO na nagsisikap na gawing mas abot-kaya ang mga serbisyo nito lalo na sa kasalukuyang krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng ating bansa. Ang mga bayad sa rehistro at iba pang transaksyon ng LTO ay batay sa mga alituntunin at batas na naaprubahan ng gobyerno, at walang biglaan o hindi inanunsyong pagtaas ng mga rate.

Layunin po ng LTO na maghatid ng mahusay at abot-kayang serbisyo sa lahat ng mamamayan. Hinihikayat po namin ang lahat na huwag magkalat o maniwala agad sa mga hindi napapatunayang balita. Para sa tumpak at opisyal na impormasyon tungkol sa mga bayarin at serbisyo ng LTO, mangyaring bisitahin lamang ang aming opisyal na website, mga social media page, o mga awtorisadong LTO district office at extension centers sa inyong lugar.

Maging responsable po tayo sa pagbabahagi ng impormasyon – suriin muna ang katotohanan bago ito ipalaganap.

Maraming salamat po.

19/03/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Alinsunod sa Proclamation No. 1189 na nagdedeklara ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr (Feast of Ramadan) bilang isang Regular Holiday, ipinaaalam sa publiko na pansamantalang tigil operasyon ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) bukas, Biyernes, ika-20 Marso.

Ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr ay isang mahalagang okasyon para sa ating mga kapatid na Muslim bilang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan. Hinihikayat ang lahat na igalang at makiisa sa diwa ng kapayapaan, pagkakaisa, at pananampalataya.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

17/03/2026

ππŽπ“πˆπ‚π„ π“πŽ 𝐓𝐇𝐄 ππ”ππ‹πˆπ‚

The Department of Transportation – CAR informs the public that the individual identified as FANCY YOHOY LUNAG is not affiliated, connected, or authorized to transact or represent DOTr-CAR, LTO- CAR and LTFRB-CAR in any capacity.

For your safety, please ensure that all transactions with DOTr-CAR are conducted through official channels and with duly authorized personnel only.

08/03/2026

π‹π“πŽ π„πŒππ‹πŽπ˜π„π„π’, ππ€π†ππ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€πˆπ ππˆπ‹π€ππ† π“π”π‹πŽππ† 𝐒𝐀 πŸ“πŸ•πŸ” ππ€πŒπˆπ‹π˜π€ 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐒𝐔𝐍𝐔𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 ππˆπ€ π‘πŽπ€πƒ, ππ”π„π™πŽπ π‚πˆπ“π˜

Nagbahagi ng pagkain ang mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) sa kabuuang 576 na pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap sa NIA Road nitong nakaraang araw. Ang mga enforcers ng LTO ay tumulong naman para ipamigay ang mga pagkain sa 543 pamilya nasa National Irrigation Administration (NIA) Building at 33 pamilya nasa National Printing Office (NPO) kung saan sila pansamantalang naninirahan.

Ang pamamahagi ng tulong na ito ay binuo ng mga kawani ng LTO mula sa iba't ibang dibisyon, na kusang-loob na nakiisa para makatulong sa mga kababayan natin na nangangailangan. Siniguro din ng mga opisyal ng ahensya na maayos na maipamamahagi ang bawat tulong para makarating ito sa mga tunay na nangangailangan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni LTO Chief, Assistabt Secretary Markus V. Lacanilao: β€œHindi tayo tumitingin sa kung sino ka o saan ka nakatira – kapag ang ating mga kababayan ay nahaharap sa kalamidad tulad ng sunog, tungkulin nating magkaisa at magbigay ng tulong. Dahil sa sunog ay maraming nawala sa ating mga kababayan at hindi natin hahayaan na mawawalan sila ng pag-asa. Ang LTO ay hindi lamang tungkol sa mga lisensya at rehistro ng sasakyan – tayo rin ay bahagi ng komunidad, at handang tumulong sa mga oras ng pangangailangan. Umaasa kami na sa maliit na paraang ito, mabibigyan namin sila ng lakas at pag-asa para muling simulan at itayo muli ang kanilang buhay.”

08/03/2026

π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐀 π‘π„π“πˆπ‘πŽ, ππ€π†πŠπ€π’π€πŠπˆπ“π€π 𝐀𝐓 ππ€π†πƒπ”π‹πŽπ“ 𝐍𝐆 π“π‘π€ππˆπŠ 𝐒𝐀 πˆππ€ππ† πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€; π‹π“πŽ 𝐍𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐀𝐓 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€ 𝐀𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π

Nag-isyu ang Land Transportation Office ng Show Cause Order sa rehistradong may-ari at driver ng isang Honda Civic kaugnay ng isang insidente ng road rage sa may Retiro na viral ngayon sa social media. Ayon sa unang pagsisiyasat, hinadlangan umano ng nasabing sasakyan ang isang Ford Ranger at sinaktan pa ang driver nito hanggang sa umabot sa sakitan ng magkabilang panig. Dahil dito, nagambala ang ibang motorista at nagdulot ng trapik sa lugar.

Batay sa SCO, inaatasan ang rehistradong may-ari at driver ng sangkot na sasakyan na humarap sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division (IID upang magsumite ng sinumpaang salaysay at ipaliwanag kung bakit hindi dapat kasuhan ang driver ng reckless driving at obstruciton of traffic and kung bakit hindi dapat bawiin ang kanyang lisensya dahil sa pagiging improper person to operate a motor vehicle.

Samantala, habang patuloy ang imbestigasyon, ang lisensya ng driver ay isususpinde ng siyamnapung (90) araw at ang sangkot na sasakyan ay ilalagay sa alarm status.

Kung sila naman ay hindi makakarating sa itinakdang araw, ito ay malinaw na pagbabalewala na marinig ang kanilang panig at ang kaso ay pagpaasiyahan batay sa ebidensyang hawak ng ahensya. Sila ay maaaring magdala ng kanilang abogado sa araw ng pagdinig.

28/02/2026

πˆπ’π€ππ† ππˆπ‚πŠ-𝐔𝐏 𝐍𝐀 ππˆπ†π‹π€ππ† π‡π”πŒπˆππ“πŽ 𝐒𝐀 𝐒𝐂𝐓𝐄𝐗, ππ€π†πƒπ”π‹πŽπ“ 𝐍𝐆 ππ€ππ†π€ππˆπ 𝐒𝐀 πŠπ€π’π”ππŽπƒ 𝐍𝐀 πŒπ†π€ π’π€π’π€πŠπ˜π€π; π‹π“πŽ, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐀𝐓 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€ 𝐀𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π

Naglabas ng Show Cause Order ang Land Transportation Office sa isang viral video ng insidente sangkot ang isang pick-up na napost sa page na β€œTrending Velo & Games Creator.” Ito ay naganap sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) kung saan ang isang Nissan Navarra ay biglang huminto na muntik nang nagdulot ng banggaan ng mga sasakyan sa kanyang likuran.

Ayon sa unang pangsisiyasat, ang sasakyan na ito ay tumatakbo ng 80 kilometro kada oras at nagsagawa ng biglaang paghinto sa gitna ng expressway. Dahil dito, napilitan biglang huminto ang mga sasakyan sa likuran nito, kabilang na ang isang pampasaherong bus at isang truck na muntik ng magbanggaan na nagdulot ng panganib sa mga sakay nito.

Inaatasan ng Intellligence and Investigation Division ng LTO na humarap ang rehistradong may-ari at driver ng sangkot na sasakyan upang magsumite ng sinumpaaang salaysay at ipaliwanag kung bakit hindi dapat panagutan ng driver ang kasong reckless driving at bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanyang lisensya sa pagiging improper person to operate a motor vehicle.

Samantala, suspendido ang lisensya ng driver ng siyamnapung (90) araw at alarmado ang sasakyan habang iniimbestigahan.

Kapag hindi sila nakarating sa takdang pagdinig, ito ay pagbabalewala na madinig ang kanilang panig at ang imbestigasyon ay magpapatuloy kahit wala sila. Maari silang humingi ng tulong sa isang abogado sa oras ng pagsisiyasat.

28/02/2026

π‹π“πŽ π‚πŽππƒπ”π‚π“π’ π€ππ“πˆ-πƒπ‘π”ππŠ 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐑𝐔𝐆𝐆𝐄𝐃 πƒπ‘πˆπ•πˆππ† πŽππ„π‘π€π“πˆπŽππ’ 𝐈𝐍 ππ”π„π™πŽπ π‚πˆπ“π˜; πŸ— πƒπ‘πˆπ•π„π‘π’ π…π€πˆπ‹ π€π‹π‚πŽπ‡πŽπ‹ 𝐓𝐄𝐒𝐓𝐒

The Land Transportation Office (LTO) Central Office with National Capital Region (NCR) law enforcement units and with support from the Philippine Coast Guard (PCG), conducted intensified joint operations for the enforcement of Republic Act No. 10586, otherwise known as the β€œAnti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013”, on February 27-28, 2026. The operations targeted areas in Quezon City with high concentrations of entertainment establishments, where risks of impaired driving are elevated during nighttime hours.

The joint initiative covered key thoroughfares including Timog Avenue, Fisher Mall Quezon Avenue, Tomas Morato Avenue, and Quezon Avenue in Quezon City – locations identified as high-priority due to increased vehicular traffic and proximity to leisure venues. A total of four operations were deployed across these areas to maximize coverage and ensure visible presence as a deterrent to potential violators.

During the conduct of the operations, 14 drivers underwent Alcohol Breath Analyzer (ABA) testing. Of this number, 5 drivers yielded negative results and passed the assessment, while 9 drivers tested positive for alcohol impairment and failed the ABA test. No drug testing was conducted during this round of operations, and no significant incidents or unusual situations were encountered throughout the implementation period. Parallel to ABA testing, 14 field sobriety tests were also administered, with corresponding results of 5 passes and 9 failures, aligning with the outcomes of the breath analyzer assessments.

LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao stated: β€œThe implementation of RA No. 10586 operations is anchored on critical objectives aimed at safeguarding public safety and upholding road traffic regulations. Primarily, the initiative seeks to prevent road crashes and injuries caused by impaired driving, as alcohol and substance use significantly impairs a driver’s judgment, coordination, and reaction time – factors that directly contribute to avoidable road incidents. Additionally, the operations serve to reinforce compliance with national laws, ensuring that all motorists adhere to standards that prioritize the welfare of all road users, including pedestrians, passengers, and fellow drivers.”

Beyond immediate enforcement, the joint effort aims to foster a culture of responsible driving among Filipino motorists, emphasizing that operating a vehicle under the influence of alcohol or drugs is not only a violation of the law but also a serious threat to community safety. The collaboration between LTO, NCR law enforcers, and PCG underscores the government’s commitment to a multi-agency approach in addressing road safety challenges, leveraging combined resources and expertise to create safer roads for all.

28/02/2026

𝐒𝐔𝐕 ππ€π”π‹πˆπ“-π”π‹πˆπ“ 𝐍𝐀 π‡π”πŒπ€π‡π€πƒπ‹π€ππ† 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐆 πˆπ’π€ππ† πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€ 𝐒𝐀 ππ€πŒππ”ππ‹πˆπŠπŽππ† πŠπ€π‹π’π€πƒπ€; π‹π“πŽ, 𝐍𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐀𝐓 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€ 𝐀𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π

Nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng isang insidente na ipinakita sa isang viral na video sa Facebook sa ilalim ng account na β€œCol. Bosita|Supporters”. Ang nasabing video ay nagpapakita ng isang Toyota Fortuner na paulit-ulit na humahadlang sa daanan ng isang sasakyan sa isang pampublikong kalsada.

Dahil dito, pinatawan ng SCO ang rehistradong may-ari at driver ng nasabing sasakyan. Sila ay inaatasan na humarap sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division at kailangan nilang magsumite ng sinumpaang salaysay at ipaliwanag kung bakit hindi dapat panagutin ang driver sa administratibong paraan dahil sa paglabag sa reckless driving at obstruction of traffic, pati na rin kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanyang lisensya bilang improper person to operate a motor vehicle.

Bukod pa rito, ang sasakyan ay ilalagay sa alarm status para pigilan ang anumang transaksyon habang ito ay patuloy na iniimbestigahan. Kapag natukoy ang driver, ang kanyang lisensya ay pansamantalang sususpendihin sa loob ng siyamnapung (90) araw at kailangang ibigay ang nasabing lisensya bago o sa araw ng napiling pagdinig.

Binigyang-diin na ang kawalan ng pagsumite ng hiling na paliwanag sa takdang panahon ay ituturing na pagbabalewala sa kanyang karapatan na madinig ang kanyang panig. Ang kaso ay magpapatuloy batay sa ebidensya na hawak ng ahensya. Ang mga sangkot ay maaari rin na humingi ng tulong sa isang abogado sa araw ng pagdinig.

24/02/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinapabatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na mananatiling bukas ang mga tanggapan nito para sa lahat ng transaksaksyon, bukas, kasabay ng pagdiriwang ng ika-39 na Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ang anunsiyong ito ay alinsunod sa Proclamation No. 1006, s. 2025, na nagdedeklarang Special (Working) Day sa buong bansa ang 25 Pebrero, 2026 (Miyerkules).

24/02/2026

π‹π“πŽ, 𝐁𝐈, 𝐀𝐍𝐃 𝐀𝐅𝐏 π‚πŽπ‹π‹π€ππŽπ‘π€π“π„ 𝐈𝐍 π€πππ‘π„π‡π„ππ’πˆπŽπ πŽπ… π‚π‡πˆππ„π’π„ ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π…πŽπ‘ πˆπƒπ„ππ“πˆπ“π˜ 𝐅𝐑𝐀𝐔𝐃

In a press conference held today, the Land Transportation Office (LTO), in a joint effort with the Bureau of Immigration (BI) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) announced the apprehension of Chinese national Ling Guan Zhi, 47. Zhi fraudulently obtained and used Philippine government-issued documents under multiple identities, including "Mike Carmin Sy." This successful operation aligns with President Ferdinand R. Marcos Jr.'s directive to strengthen border control and protect the integrity of Philippine citizenship.

The LTO's internal records and investigations initially uncovered that "LING GUAN ZHI" and "MIKE CARMIN SY" pertained to one and the same person. This individual was found administratively liable for willful misrepresentation of material information in a driver's license application, a violation of Republic Act 4136, as amended by Republic Act 10930. The LTO had previously issued a certification detailing this violation at the request of the Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP). In close coordination with ISAFP, the LTO Intelligence and Investigation Division (IID) provided vital information that cross-matched the identity of this Chinese national.

Following intelligence verification and coordination with law enforcement partners, BI Intelligence operatives, with crucial information and confirmation from ISAFP and the LTO, apprehended Ling Guan Zhi. BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. confirmed that the subject had misrepresented himself as a Filipino citizen and used Philippine-issued identification documents to support his false claim. Biometric checks and inter-agency verification definitively established that fingerprints from documents under the name "Mike Carmin Sy" matched those of Ling Guan Zhi. Authorities further revealed that the subject allegedly used Philippine passports to travel internationally while falsely claiming Filipino citizenship.

During the press conference, LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao confirmed the identities of the Chinese national based on the meticulously maintained records of the LTO. He stated, "Before, such fraudulent acts could easily be done, but I assure the public that this cannot be done anymore." He further commended the LTO IID under the leadership of Renante Melitante for their swift actions and crucial contributions to this successful operation.

Ling Guan Zhi has been transferred to the BI Warden Facility, pending deportation proceedings. Further investigation is ongoing to determine the full extent of the fraudulent activities and identify any possible accomplices. This collaborative effort between the LTO, BI, and AFP underscores the government's commitment to upholding the sanctity of national identity and ensuring compliance with Philippine laws, with strengthened safeguards now in place to prevent similar incidents.

23/02/2026

π“πŽπ˜πŽπ“π€ π‡πˆ-𝐋𝐔𝐗 𝐍𝐀 ππˆπ†π‹π€ππ† 𝐍𝐀𝐆-𝐅𝐔𝐋𝐋 π’π“πŽπ 𝐒𝐀 𝐒𝐓𝐀𝐑 π“πŽπ‹π‹π–π€π˜, ππ€π†πƒπ”π‹πŽπ“ 𝐍𝐆 ππ€ππ†π€ππˆπ 𝐒𝐀 πŠπ€π’π”ππŽπƒ 𝐍𝐀 πŒπ†π€ π’π€π’π€πŠπ˜π€π; π‹π“πŽ 𝐍𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐀𝐓 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€ 𝐀𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) sa pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ng isang Show Cause Order laban sa rehistradong may-ari ng Toyota Hilux na may kaugnay ng isang insidente sa trapiko na nangyari noong Enero 30, 2026 sa STAR Tollway (southbound) malapit sa Tanauan City Exit.

Ang insidente ay nakuhanan ng video at nai-post sa VISOR Community social media platform. Ayon sa imbestigasyon, ang nasabing Toyota Hilux ay biglang huminto sa fast lane habang papalabas sa Tanauan Exit, na naging dahilan ng biglaang pagpreno ng mga sasakyang nasa likuran at nauwi sa posibleng banggaan.

Bilang agarang hakbang, sinuspinde ng LTO ang lisensya ng driver ng nasabing sasakyan sa loob ng siyamnapung (90) araw at inatasan itong isuko ang lisensya bago o sa mismong petsa ng pagdinig. Dagdag pa rito, inilagay sa alarm status ang sangkot na sasakyan upang maiwasan ang anumang transaksyon habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Batay sa SCO, ang rehistradong may-ari at ang driver ay inatasan na humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division (IID) upang magsumite ng sinumpaang salaysay para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng Reckless Driving at kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang lisensya ng driver dahil sa pagiging isang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Ang pagliban sa pagdinig o ang hindi pagsumite ng komento ay ituturing na pagtalikod sa karapatan na marinig sa imbestigasyon. Magpapatuloy ang LTO sa imbestigasyon at maglalabas ng rekomendasyon batay sa lahat ng nakalap na ebidensya. Maaari ding kumuha ng legal counsel ang kinauukulan sa buong proseso ng imbestigasyon.

Mananatiling committed ang LTO sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kalsada at sa pagpapatupad ng batas trapiko para sa kapakanan ng lahat ng motorista at publiko.

20/02/2026

πˆππ’πˆπƒπ„ππ“π„ 𝐍𝐆 π‡πˆπ“-𝐀𝐍𝐃-𝐑𝐔𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐀𝐐𝐔𝐄; π‹π“πŽ 𝐍𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐀𝐓 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€ 𝐀𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π

Ang Land Transportation Office (LTO) ay naglabas ng Show Cause Order sa rehistradong may-ari ng isang Mitsubishi Mirage kaugnay sa isang viral na insidente sa social media kung saan ang driver ng nasabing sasakyan ay bumangga sa isang nakaparadang motorsiklo, tumama sa isang pedestrian, at saka bumangga sa isang nakaparadang e-bike bago tumakas.

Bilang bahagi ng imbestigasyon, inaatasan na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ang rehistradong may-ari at driver ng ng sangkot na sasakyan at kinakailangan silang magsumite ng "Verified or Sworn Comment/Explanation" na may kalakip na mga orihinal na dokumento upang upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng Reckless Driving, Duty of the Driver in Case of Accident at kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanilang lisensya sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Samantala, ang sasakyan ay isasailalim sa alaram status at lisensya ng driver ay suspendido ng siyamnapung araw habang isinasagawa ang imbestigasyon. Inaatasan din ang driver na isuko ang kanyang lisensya sa sandaling matanggap ang show cause order.

Ang pagliban sa paghaharap at hindi pagsumite ng kinakailangang komento/paliwanag ay ituturing na pagtalikod sa kanilang karapatang dinggin, at ang kaso ay didesisyunan batay sa mga ebidensya. Maaari silang kumuha ng tulong ng abogado sa panahon ng imbestigasyon.

Address

LTO DPWH Compound Zone 7
Bangued
2800

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Land Transportation Office - Abra posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share