26/02/2026
Ang tanggapan po ng ating Municipal Vice Mayor ay nagkaroon ng pagpupulong sa Aderans Philippines, Inc., isa sa pinakamalaking pabrika ng wig sa Pilipinas, upang magbukas ng oportunidad para sa isang livelihood project sa paggawa ng wig para sa ating bayan.
Layunin po nating mabigyan ng hanapbuhay at dagdag-kita ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng programang ito.
Inaanyayahan po namin ang mga kasalukuyang walang trabaho, out of school youth, senior citizens, lalaki o babae na may malinaw na mata (nakasalamin man o hindi) na nasa Barangay Lublub, Barangay Galintuja at Marikit East , na makipag-ugnayan sa aming tanggapan. Maari po kayong magmessage tumawag sa CP # 09088819130 upang mabigyan kayo ng karagdagang impormasyon.
Kung maayos po ang programang ito, maari po nating idala sa upland barangays at Barangay Abuyo.
Sama-sama po nating itaguyod ang kabuhayan at pag-unlad ng Alfonso Castañeda! ❤️