07/06/2026
🎒 MALIGAYANG PAGBABALIK SA PAARALAN, MGA KABATAANG BAMBANENSE! 🌧️
Handa na ba ang lahat para sa Unang Araw ng Klase ngayong Hunyo 8, 2026?
Kasabay ng panibagong simula ng inyong pag-aaral, tandaan na unahin lagi ang kaligtasan at kalusugan!
Ayon sa pinakahuling ulat ng panahon mula sa PAGASA-National Capital Region PRSD inaasahan natin ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may biglaang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog (isolated rainshowers or thunderstorms) dito sa Tarlac buong araw bukas.
Ang temperatura ay maglalaro mula 25°C hanggang 34°C.
Kaya naman, bago pumasok sa paaralan, tiyaking kasama sa inyong mga bag ang mga sumusunod:
☔ Magdala ng payong o kapote.
👟 Magsuot ng angkop na sapatos o dalhin ang inyong proteksyon sa basang kalsada.
👕 Magdala ng pamalit na damit o medyas kung sakaling mabasa habang bumabiyahe.
💧 Manatiling hydrated at malusog sa pamamagitan ng pagdadala ng sariling baong tubig.
Maging handa, maging ligtas, at sabay-sabay nating salubungin ang isang produktibong taon ng pag-aaral para sa magandang kinabukasan!
Tandaan: Kayo ang Pag asa ng Bamban 💚💛
👍 Mayor Jose Mallari Salting Jr.