01/06/2026
TINGNAN: Simula na ng Brigada Eskwela 2026 sa Virgen Delas Flores High School!
Isinagawa natin ang pambungad na programa kanina kasama ang ating mga g**o, kawani, magulang, mag-aaral, at iba't ibang organisasyong pangkabataan sa ating komunidad.
Nakilahok din at nagbigay ng suporta ang ating School Parents-Teachers Association, at mga opisyal ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan.
Patunay lamang ito na kapag lahat tayo ay nagtutulungan, tiyak ang mas maayos, maunlad, at magandang paaralan para sa ating kabataan!
Kaya, tara na, makilahok at makiisa sa ating Brigada Eskwela!