27/08/2026
π§ππ π£π’π π‘π π¦ππππ§π:
πππππππππππ (Jamendang, 2012) at πππππππ (Salanga, 2012)
Magkaugnay ng mga salitang βππ’π₯πππππ’ππ£π©β at βpalusotβ na parehong naging popular dahil sa impeachment trial sa Senado ni Chief Justice Renato Corona. Salitang Ingles ang impeachment at nangangahulugang isang proseso ng pagkuwestiyon sa integridad o katapatan ng isang tao. Ngunit dito sa Pilipinas, politikal na proseso ito na may kapangyarihang makapagpatalsik sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan na naakusahan ng katiwalian o masamang asal na hindi dapat tinataglay ng isang tagapaglingkod sa bayan. Ayon nga kay Yolando Jamendang, nangangahulugan ang impeachment bilang isang malaking hakbang sa repormang pampolitika. Ngunit bukod dito, para sa marami, isa rin itong teleserye ng buhay-politikaβisang mahabang drama sa telebisyon na nagdudulot ng libang sa mamamayan sapagkat ineere ito sa telebisyon at radyo.
Sa kabilang banda, nagdulot ng takot sa mga politiko ang impeachment, ngunit hindi naman nangangahulugan ng ganap na pagbabago. Ngunit mas maingat lamang ang mga politiko sa kanilang kilos. Ngunit kapag nabisto na, dito naman papasok ang konsepto ng βpalusot.β Na ayon kay Elyrah Salanga, ay isang paraan ng pagliligtas sa sarili tuwing may banta ng panganib. Kaugnay ito ng likas na kilos ng isang tao upang patuloy na mabuhay.
Samantala, naging bukambibig sa impeachment trial ang βpalusotβ sa tuwing ang nasasakdal at iba pang taong may kaugnayan sa kaso ay tila βnagpapalusotβ upang ilihis ang katotohanang magdidiin sa nasasakdal. Mula sa salitang ugat na βlusotβ na nangangahulugang pagdaan sa makipot na butas, siwang, puwang, at iba pang maaaring daanan; paglampas ng nahuhuli sa nauuna; pagtatagumpay sa isang suliranin, pakikipagtunggali o pagsubok.
Lilitaw dito ang konsepto ng pagiging madiskarte ng isang tao, ang intensyon ng pananakip-butas at pagtakas, ngunit dahil dito ay nawawala naman ang konsepto ng dangal, kredibilidad, at tiwala.
Sanggunian: Narvaez, Eilene Antoinette G. 2016. Sawikaan: Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon.