19/05/2026
Mga kalungsod, nitong May 15, 2026, isinagawa ang Turnover of Office Ceremony ng Baliwag City Police Station, kasama sina Provincial Director Col. Jay Baybayan, Mayor Vice Ferdie Estrella, mga konsehal, at mga opisyal ng Philippine National Police.
Sa seremonyang ito ay opisyal na ipinasa ni PLCOL Jayson San Pedro ang pamumuno ng Baliwag PNP kay PLTCOL Eisbon Llamazares bilang bagong hepe ng kapulisan sa Lungsod ng Baliwag.
Lubos ang aming pasasalamat kay Hepe Jayson San Pedro sa kanyang tapat, maagap, at may malasakit na paglilingkod sa mga Baliwagenyo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay naging katuwang siya ng ating lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Gayundin, ating malugod na tinatanggap si PLTCOL Eisbon Llamazares bilang bagong hepe ng Baliwag City Police Station. Kaisa ang lokal na pamahalaan, patuloy nating palalakasin ang ugnayan ng LGU at PNP upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang lungsod sa ilalim ng serbisyong may malasakit.