12/08/2026
Dahil puno na naman po ang inbox natin, ayan na, wala munang face-to-face classes bukas para safe kayo sa ulan sabi ni Mayor Mommy Sonia.
Pero promise us that you will continue learning while staying safe at home. Keep up with your lessons, accomplish your activities, and stay connected with your teachers.
Ingat mga Baliwagenyo!
NO FACE-TO-FACE CLASSES
Dahil sa patuloy na pag-ulan na ating nararanasan, suspendido muna ulit ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Baliwag, bukas, Agosto 13, 2026, Huwebes.
Patuloy namang isasagawa ng mga paaralan ang nararapat na alternative learning modalities upang hindi maputol ang pag-aaral ng mga estudyante.
Manatiling alerto at mag-ingat, mga Baliwagenyo!