08/04/2026
𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝, 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐑𝐎𝐖𝐍 𝐌𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞.
Isinagawa ang National Validation Visit ng Monitoring Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI Pro) sa lungsod bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri sa implementasyon ng mga programa sa nutrisyon. Layunin ng aktibidad na matiyak ang kalidad, bisa, at pagpapatuloy ng mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa larangan ng nutrisyon, lalo na sa hangaring makamit ang ikalawang taon ng Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Maintenance.
Pinangunahan ang validation ng mga kinatawan ng National Nutrition Council (NNC) at Department of the Interior and Local Government (DILG), na bumubuo sa Nutrition Evaluation Team (NET). Kabilang sa mga dumalo sina:
• Christine Jane B. Almira, Nutrition Officer II, NNC
• Llana Angela C. Mata, Nutrition Officer II, NNC
• Rommferri R. Baluyot, Local Government Operations Officer V, DILG-BLGS
Sa isinagawang validation, sinuri ang mga dokumento, programa, at aktwal na implementasyon ng mga nutrition-specific at nutrition-sensitive interventions ng lungsod. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng multi-sectoral approach sa paglaban sa malnutrisyon.
Malaki ang naging papel ng pamunuan ng lungsod sa matagumpay na pagsasagawa ng validation. Kinikilala ang walang sawang suporta nina City Mayor Sonia Viceo Estrella at Mayor Vice Ferdinand Estrella, gayundin ang aktibong partisipasyon ni CNC Vice Chairperson Marie Nelle Imperial at ng buong City Nutrition Committee (CNC).
Ang matagumpay na validation ay patunay ng matibay na commitment ng lungsod sa pagpapabuti ng kalagayan ng nutrisyon ng mamamayan. Patuloy ang adhikain ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang mataas na pamantayan ng serbisyo at maisakatuparan ang mga programang magdudulot ng mas malusog at mas maunlad na komunidad.
Sa huli, ang bawat hakbang tungo sa mas maayos na serbisyo ay alay para sa kapakanan ng bawat mamamayan—isang patunay ng dedikasyon sa tunay na diwa ng paglilingkod na may Serbisyong may Malasakit.