28/10/2025
Olongapo City LGU, bumisita sa Lungsod ng Baliwag para sa Benchmaking Activity sa New Public Market
Mainit na sinalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang mga kawani mula sa City Government of Olangapo na nagsagawa ng kanilang benchmarking activity sa Baliwag City Public Market nitong ika-22 ng Oktubre.
Layunin ng naturang aktibidad na makapangalap ng mahahalagang kaalaman at best practices kaugnay sa epektibong pamamahala, operasyon, at pagpapaunlad ng pampublikong pamilihan.
Bilang bahagi ng programa, nilibot ng delegasyon ang kabuuan ng Baliwag City Public Market kasama ang mga kawani ng City Economic Enterprise Affairs Office (CEEAO) at ng Pamilihang Bayan ng Baliwag, upang personal na masaksihan ang sistema ng operasyon, kalinisan, seguridad, at daloy ng mga negosyo sa pamilihan.
Matapos ang paglilibot, pinangunahan ni City Administrator Enrique V. Tagle ang isang presentasyon na tumalakay sa mga proseso ng pagpaplano, pagpapatayo, at pamamahala ng nasabing pamilihan. Ibinahagi rin niya ang mga estratehiyang ipinatupad ng Pamahalaang Lungsod upang mapanatili ang kaayusan at kabuuang sustainability ng market operations, kabilang ang waste management programs at transparency measures sa pangongolekta ng kita.
Samantala, ipinaabot naman ni City Mayor Mommy Sonia V. Estrella ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa mga kawani ng Olongapo City sa pagpili sa Baliwag bilang isa sa kanilang modelo sa pagpapaunlad ng pampublikong pamilihan.
Nananatiling bukas ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pagtanggap ng iba pang mga lokal na pamahalaan na nagnanais ding magsagawa ng kanilang benchmarking activity sa lungsod, bilang bahagi ng patuloy na layunin nitong itaguyod ang Serbisyong May Malasakit at ibahagi ang mga epektibong pamamaraan ng mahusay na pamamahala.
Olongapo City LGU, bumisita sa Lungsod ng Baliwag para sa Benchmarking Activity sa New Public Market