DepEd Tayo-Sta. Barbara High School

  • Home
  • DepEd Tayo-Sta. Barbara High School

DepEd Tayo-Sta. Barbara High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo-Sta. Barbara High School, Public School, Sta. Barbara, Baliwag, Bulacan, .

Buong karangalang ibinabahagi ng Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara ang pagkilala na ating natanggap sa ginanap na “ARAL...
24/03/2026

Buong karangalang ibinabahagi ng Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara ang pagkilala na ating natanggap sa ginanap na “ARAL Program Recognition and Appreciation Day” ngayong araw sa Baliwag Star Arena.

Kasama sa pagtanggap ng “Sertipiko ng Pagkilala” ang mga pangunahing kinatawan ng paaralan na sina Dr. Ma. Charito R. Cruz, PSDS ng ika-5 Distrito, Gng. Ria DC. Sanchez, Punong-g**o I, at Bb. Marilen D. Pascual, ARAL Reading Focal Person.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga parangal na iginawad sa aming paaralan:

🏅 Sertipiko ng Pagkilala para sa matagumpay na implementasyon ng ARAL Program sa ating paaralan
🏅 Sertipiko ng Pagkilala para sa ARAL Focal Person
🏅 Sertipiko ng Pagkilala para sa ating BTECH Volunteer Tutors
🏅 At ang pagkilala bilang isa sa mga “BEST ARAL PROGRAM SUCCESS STORIES”

Ang mga karangalang ito ay iniaalay namin sa buong komunidad—mga g**o, mag-aaral, magulang, mga katuwang—at higit sa lahat, sa aming mga ARAL Reading learners, na siyang tunay na inspirasyon at dahilan ng tagumpay na ito.

Kami po ay patuloy na magsisikap na pagbutihin pa ang aming paglilingkod at palawakin ang ARAL Program sa ating sintang paaralan para sa kapakanan at lalo pang ikauunlad ng ating mga Sta. Barbaranians.

Maraming salamat po sa tiwala at pagkilala.



Maging mapagmatyag sa kalusugan! Ang Tuberculosis (TB) ay maiiwasan at magagamot kung agad na matutukoy. Alamin ang mga ...
24/03/2026

Maging mapagmatyag sa kalusugan! Ang Tuberculosis (TB) ay maiiwasan at magagamot kung agad na matutukoy. Alamin ang mga sintomas, sundin ang tamang pag-iingat, at magpatingin sa health center kung kinakailangan. Sa sama-samang pagkilos, tuluyan nating malalabanan ang TB!

Nakikiisa ang DepEd Tayo-Sta. Barbara High School sa kampanya laban sa Tuberculosis.


20/03/2026
PAALALA, MGA BALIWAGHENYOS!Ngayong panahon ng tag-init, mahalagang mag-ingat sa matinding init at mataas na heat index.A...
19/03/2026

PAALALA, MGA BALIWAGHENYOS!

Ngayong panahon ng tag-init, mahalagang mag-ingat sa matinding init at mataas na heat index.

ANO ANG HEAT INDEX?
Ito ang nararamdamang init ng katawan batay sa kombinasyon ng temperatura at halumigmig. Mas mataas ito kapag maalinsangan, kaya mas mainit ang pakiramdam kahit hindi ganoon kataas ang temperatura.

MGA ANTAS NG HEAT INDEX:
• 27°C–32°C (Normal): Katamtamang init; maaaring makaramdam ng pagkapagod
• 33°C–41°C (Mainit): Posibleng heat cramps at heat exhaustion
• 42°C–51°C (Mapanganib): Mataas ang panganib ng heat stroke
• 52°C pataas (Delikado): Malubhang panganib; maaaring mauwi sa heat stroke

Kapag hindi kinaya ng katawan ang matinding init, maaaring maranasan ang mga sumusunod:
• Pagsakit ng ulo
• Pagkahilo
• Pagdurugo ng ilong
• Pagkahimatay
• Heat exhaustion o heat stroke

Upang maiwasan ang mga ito, tandaan ang mga sumusunod:
• Uminom ng sapat na tubig (8–12 baso bawat araw)
• Magsuot ng magaan at preskong damit
• Gumamit ng payong o sumilong sa lilim
• Maglagay ng sunscreen kapag lalabas

TANDAAN: Ang kaalaman ay mahalaga, ngunit mas mahalaga ang pag-iingat at pagsunod sa mga simpleng hakbang para sa kaligtasan.

“Knowing is not enough; we must apply. Willing is not enough; we must do.”
– Johann Wolfgang von Goethe





🔥 FIRE SAFETY SEMINAR AND DRILL 2026 🔥Matagumpay na isinagawa ng ating paaralan ang Fire Safety Seminar and Drill bilang...
18/03/2026

🔥 FIRE SAFETY SEMINAR AND DRILL 2026 🔥

Matagumpay na isinagawa ng ating paaralan ang Fire Safety Seminar and Drill bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa harap ng anumang sakuna.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina SDRRM Coordinator Ria DC. Sanchez, Principal I, at BERT Coordinator Jayson I. Bautista, katuwang ang mga opisyal mula sa Bureau of Fire Protection – Baliwag City: SF02 Luisto R. Acuña, FO3 Leovinson V. Irabon, at FO1 Austin Pe-ips L. Padua.

Layunin ng seminar at drill na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng bawat isa sa wastong pagresponde sa insidente ng sunog—kabilang ang maayos at ligtas na paglikas, tamang paggamit ng fire extinguisher, at pagpapanatili ng kalmado sa gitna ng emerhensiya.

Sa pamamagitan ng sama-samang pakikiisa at aktibong partisipasyon ng lahat, muling naipakita ng ating paaralan ang kahalagahan ng disiplina, kooperasyon, at kahandaan upang matiyak ang kaligtasan ng buong komunidad.



Simulan ang bagong linggo nang may pusong puno ng pag-asa. Ipanalangin natin ang patnubay, lakas, at kapayapaan sa bawat...
16/03/2026

Simulan ang bagong linggo nang may pusong puno ng pag-asa. Ipanalangin natin ang patnubay, lakas, at kapayapaan sa bawat hakbang ng ating paglilingkod. Happy Monday, ka-DepEd! 🙏❤️

📢 1st QuarterNational Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026March 12, 2026Bilang pakikiisa sa isinagawang 1st Nationa...
13/03/2026

📢 1st Quarter
National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026
March 12, 2026

Bilang pakikiisa sa isinagawang 1st National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026, aktibong nakiisa ang mga g**o, kawani ng Sta. Barbara High School sa pagsasanay na naglalayong palakasin ang kahandaan ng bawat isa sa oras ng lindol.

Sa pamamagitan ng drill na ito, naipamalas ng buong paaralan ang wastong pagsunod sa mga safety procedures tulad ng “Duck, Cover, and Hold”, maayos na paglikas patungo sa ligtas na evacuation area, at kooperasyon ng bawat miyembro ng komunidad ng paaralan.

Ang gawaing ito ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang bawat mag-aaral at kawani ay handa at may sapat na kaalaman kung paano kumilos sa panahon ng sakuna. Patuloy na isinusulong ng Sta. Barbara High School ang kultura ng kahandaan at kaligtasan para sa lahat.



Isang matagumpay at makabuluhang araw ang naganap noong Marso 12, 2026 sa Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara sa isinagaw...
13/03/2026

Isang matagumpay at makabuluhang araw ang naganap noong Marso 12, 2026 sa Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara sa isinagawang REBISCO Company Visitation para sa Validation ng Rebisco Best in Public School Canteen Practices – Inter School Competition for Small School Category.

Lubos ang aming pasasalamat sa Rebisco Company sa pagbisita at pagbibigay ng pagkakataon sa aming paaralan na maipakita ang maayos na pamamahala at pagpapatupad ng mga pamantayan sa aming school canteen. Ang kanilang presensya ay nagbigay ng inspirasyon at motibasyon sa buong komunidad ng paaralan upang patuloy na mapabuti ang serbisyong pangkalusugan at nutrisyon para sa aming mga mag-aaral.

Ang programang ito ay naging daan upang maipakita ng paaralan ang kahalagahan ng malinis, ligtas, at masustansyang pagkain na inihahain sa mga mag-aaral bilang bahagi ng pagsusulong ng malusog na pamumuhay sa loob ng paaralan.

Maraming salamat sa Rebisco Company sa patuloy na pagsuporta sa mga paaralan at sa adbokasiya para sa mas maayos at mas responsableng pamamahala ng school canteen.





Ngayong Marso ay ginugunita natin ang Fire Prevention Month, isang paalala lalo na sa panahon ng tag-init kung kailan ma...
02/03/2026

Ngayong Marso ay ginugunita natin ang Fire Prevention Month, isang paalala lalo na sa panahon ng tag-init kung kailan mas mataas ang panganib ng sunog.

Maging maingat, responsable, at laging handa. Ang simpleng pag-iingat ay makatutulong upang mapanatiling ligtas ang ating tahanan, paaralan, at komunidad.

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵! 💜Sa pagdiriwang natin ng buwan na ito, hindi lang natin aalalahanin ang kagalingan at kata...
02/03/2026

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵! 💜

Sa pagdiriwang natin ng buwan na ito, hindi lang natin aalalahanin ang kagalingan at katapangan ng bawat babaeng Pilipino. Isasabuhay rin natin ang makabagong Babaylan — nangunguna, lumalaban, pinakikinggan, at may paninindigang kasingtatag ng ating pinagmulan.

𝗠𝗮𝘆 𝘄𝗲 𝗮𝗹𝗹 𝗟𝗘𝗔𝗗 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗱𝗶𝗴𝗻𝗶𝘁𝘆, 𝗵𝗼𝗻𝗼𝗿 𝗼𝘂𝗿 𝗮𝗻𝗰𝗲𝘀𝘁𝗿𝘆, 𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗶𝗻 𝗵𝗮𝗿𝗺𝗼𝗻𝘆, 𝗮𝗻𝗱 𝗰𝗹𝗮𝗶𝗺 𝗼𝘂𝗿 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝘆 — 𝗔𝗟𝗟 𝗳𝗼𝗿 𝗲𝗾𝘂𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆.

Mabuhay ang diwa ng Babaylan, mabuhay ang kababaihang Pilipino!

Address

Sta. Barbara, Baliwag, Bulacan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo-Sta. Barbara High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo-Sta. Barbara High School:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share