28/05/2026
Sa paggunita ng Philippine National Flag Day, muling pinagtitibay ng DAR ang pagmamahal sa bayan at pagkakaisa bilang mga Pilipino.
Ginugunita ang araw na ito bilang pag-alala sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas matapos ang tagumpay sa Labanan sa Alapan noong 1898. Bahagi ito ng “National Flag Days” mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Nawa’y magsilbing simbolo ang ating pambansang watawat ng katatagan, sakripisyo, at kabayanihang Pilipino tungo sa mas maunlad at makatarungang lipunan para sa lahat.
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargovph1