12/03/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐
Simula March 13, ipapatupad natin ang Temporary Compressed 4-Day Workweek sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, kung saan ang pa*ok ng mga kawani ay mula Lunes hanggang Huwebes, simula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Ito ay linsunod sa inilabas nating Executive Order No. 06, S. 2026, at bilang pagtugon sa Memorandum Circular No. 114 na inilabas ng Office of the President, na nag-uutos sa mga tanggapan ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para sa pagtitipid ng enerhiya, lalo na sa gitna ng umiiral na kaguluhan sa Middle East.
Ang mga tanggapan na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo ay hindi sakop ng atas at magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy at walang patid na serbisyo para sa mga mamamayan.
Samantala, magkakaroon ng Skeleton Workforce at Temporary Satellite Office ang mga piling tanggapan tuwing Biyernes, simula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, sa Baliwag Business Center, Pagala, Baliwag City, para sa tuloy-tuloy na serbisyo.
Narito ang mga sumusunod na tanggapan:
โข CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE (CSWDO)
โข CITY TREASURY OFFICE (PAYMENT)
โข LOCAL CIVIL REGISTRY (REGISTRATION OF BIRTH, DEATH, & MARRIAGE CERTIFICATE)
โข CITY HEALTH OFFICE (DEATH & ADMINISTRATIVE)
โข CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE (CENRO)
โข BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE (BPLO)
โข CITY ENGINEERING OFFICE (BUILDING PERMIT)
โข CITY PLANNING AND DEVELOPMENT OFFICE (ZONING)
โข CITY PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE (OFW HELP DESK, MAYORโS OCCUPATIONAL CLEARANCE, ENDORSEMENT)
โข BUREAU OF FIRE (BFP)
โข CITY ADMINISTRATORโS OFFICE