12/10/2025
📝Ulat sa Unang 100 Araw ng Panunungkulan
Sa loob ng unang isandaang (100) araw ng aking paglilingkod, buong puso po tayong nagsumikap na pag-ibayuhin ang ating serbisyo sa ating minamahal na bayan ng Baler.
Sa larangan ng Peace and Order, patuloy po tayong nakikipag-ugnayan sa ating mga kapulisan at mga kasamahan sa Municipal Peace and Order Council (MPOC) upang mapanatili ang katahimikan at seguridad ng ating komunidad.
Patuloy din po tayong umiikot sa bawat barangay upang mamamahagi ng mga gamot, bitamina, at gatas para sa mga batang may mababang timbang—bilang bahagi ng ating adbokasiyang mapangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng kabataan.
Hindi rin po tayo tumitigil sa paglahok sa mga training at seminar na layuning paunlarin ang kakayahan ng ating mga lingkod-bayan, tungo sa mas mahusay at tapat na pamamahala.
Kasabay nito, tinututukan din natin ang mga pangarap ng ating Sangguniang Bayan na nakatuon sa tatlong pangunahing haligi ng kaunlaran:
1. Turismo – upang higit na maipakilala ang kagandahan ng Baler at makapagbigay ng kabuhayan sa ating mga mamamayan;
2. Environment – upang mapangalagaan ang likas na yaman at kapaligiran ng ating bayan; at
3. Digital Transformation – upang maisulong ang modernong sistema ng serbisyo publiko na mabilis, episyente, at transparent.
Bilang karagdagan, isinusulong din natin ang pagtatatag ng Human Rights Action Center sa bawat barangay at sa ating munisipyo, na magiging daan upang mapagtibay at mapangalagaan ang karapatang pantao ng bawat Balereño.
Ang unang isandaang araw ay simula pa lamang ng mas malawak at mas malalim na paglilingkod. Sa patuloy na pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya, sabay-sabay nating isusulong ang isang mas maunlad, mas disiplinado, at makataong Bayan ng Baler.
❤️