15/11/2024
Nagsagawa ng isang mahalagang pagsasanay sa paggawa ng project proposal ang dalawampu't limang (25) magsasaka at mangingisda ng bayan ng Baler noong Nobyembre 14-15, 2024. Ang pagsasanay na ito ay isinakatuparan mula sa inisyatibo ng Pamahalaang Pambayan ng Baler, sa pangunguna ng ating Kagalang-galang na Mayor Rhett Ronan T. Angara, katuwang si Vice Mayor Pedro "Bobong" Ong at ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa pamumuno ni Gng. Susana F. Rutaquio, Municipal Agriculturist.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot kay Mrs. Glenda P. Dumapay para sa kanyang dedikasyon at pagbabahagi ng kanyang kaalaman. Sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo, ang ating mga mahal na magsasaka at mangingisda ay nagkaroon ng mas malalim na kaalaman sa paggawa ng mga project proposal na maaaring makatulong sa kanilang mga hanapbuhay at kabuhayan.
Ang kasanayang ito ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa bayan ng Baler.ππΎπ£π ππ§π»βπΎπ