29/08/2026
BFP Aurora extends our sincere condolences and prayers on the passing of SFO3 John Caesar C. Barlaan - San Jose City Fire Station, Nueva Ecija. ๐๏ธ
Having served the people of Aurora Province with honor, integrity, and passion, his legacy as a true public servant will never be forgotten. We salute you for your years of heroic service, Sir. ๐
Thank you for your duty and service, Sir. ๐ซก
ISANG BAYANI, ISANG KASAMA, ISANG KAIBIGAN
May mga taong dumarating sa ating buhay bilang kasamahan, ngunit sa paglipas ng panahon, nagiging pamilya at tunay na kaibigan.
Siya ay isa sa mga taong pinakamadaling pakisamahan, laging handang tumulong, at higit sa lahat, maaasahan sa oras ng pangangailangan. Sa bawat duty, bawat tawanan, bawat pagsubok at bawat laban, lagi siyang nariyanโwalang reklamo, walang pag-aalinlangan, at handang tumayo kasama ng kanyang mga kasamahan.
Hindi lamang siya isang mahusay na lingkod. Isa siyang taong nag-iwan ng kabutihan sa bawat taong nakasama niya. Ang kanyang presensya, mga kwento, tawanan at kabutihan ay mananatiling buhay sa puso ng mga naiwan niya.
Masakit tanggapin na hindi na natin siya makakasama sa susunod na duty, hindi na maririnig ang kanyang boses at tawanan, at hindi na natin siya makikita sa piling ng kanyang mga kasamahan.
Ngunit ang isang taong tunay na naglingkod at nagmahal sa kanyang mga kasama ay hindi kailanman mawawala. Mananatili siya sa bawat alaala, bawat kwento, at bawat pusong kanyang nahawakan.
SFO3 JOHN CAEZAR C BARLAAN
3.18.1989 โ 8.28.2026
Saludo kami sa iyo, Sir Barly. ๐ซก
Ang iyong serbisyo ay natapos na, ngunit ang iyong alaala at kabutihan ay mananatili magpakailanman.
Rest easy, our brother.