02/08/2026
Kapag Maulan, Hindi na ba Magkakaroon ng Sunog?
Ang pag-ulan ay hindi nangangahulugang wala nang posibilidad na magkaroon ng sunog. Bagama't nakatutulong ang ulan upang mabawasan ang pagkatuyo ng mga damo at iba pang madaling masunog na materyales sa labas, marami pa ring posibleng pagmulan ng sunog.
Isa sa mga pangunahing sanhi ng sunog sa panahon ng tag-ulan ay ang electrical fire. Dahil sa malakas na ulan, maaaring magkaroon ng water leakage na umabot sa mga electrical wiring o appliances. Maaari ring magdulot ng short circuit ang mga sirang kable, overloaded outlets, at depektibong electrical devices.
Bukod dito, maaari pa ring magkaroon ng sunog dahil sa gas leak, napabayaang kandila, maling paggamit ng LPG, at hindi maingat na pagtatapon ng upos ng sigarilyo. Ang mga ito ay hindi naaapektuhan ng pag-ulan at maaari pa ring magdulot ng sunog kung hindi magiging maingat ang mga tao.
Bilang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection, mahalagang ipaalala sa publiko na ang fire safety ay dapat isabuhay sa lahat ng panahon, tag-init man o tag-ulan. Dapat nating regular na inspeksyunin ang ating mga electrical connections, tiyaking ligtas ang paggamit ng LPG, at iwasan ang anumang gawain na maaaring pagmulan ng sunog.
Sa huli, ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang sunog ay ang pagiging mapagmatyag, disiplinado, at responsable. Tandaan po natin ang kasabihang, "Mas mabuti ang pag-iwas kaysa sa pag-apula ng sunog."
Maraming salamat po.โSa oras ng sunog, sakuna at anumang medical emergency, tumawag lamang sa 911 o sa mga hotline numbers ng Baler Fire Station;
โ๐Smart 0939-216-6377
โ๐Globe 0917-119-2794
โ
โMaraming salamat po!
โ
โ
โ