San Luis Obispo Parish

San Luis Obispo Parish This is the Official page of Roman Catholic Prelature of Infanta San Luis Obispo Parish - Baler, Aurora.

23/05/2026



“At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo.” (Gawa 2:4)Sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes, muli nating alalahan...
23/05/2026

“At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo.” (Gawa 2:4)

Sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes, muli nating alalahanin ang apoy ng Espiritu Santo na nagbibigay-liwanag, lakas, at bagong buhay sa bawat mananampalataya.

Nawa’y patuloy tayong gabayan ng Espiritu Santo upang mamuhay sa pananampalataya, pag-ibig, at paglilingkod.



Built with faith, strengthened through service. 🙏⛪The San Luis Obispo Parish (SLOP) Construction Team continues to work ...
18/05/2026

Built with faith, strengthened through service. 🙏⛪

The San Luis Obispo Parish (SLOP) Construction Team continues to work hand in hand for the repair and improvement of our beloved Church, especially the Choir Loft and Belfry. Thank you to everyone who shares their time, talent, effort, and generosity for this mission. Together, we build not only structures, but also a stronger and united community of faith. ✨

#𝐒𝐢𝐦𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐒𝐢𝐧𝐨𝐝𝐚𝐥



Sa pagkakaisa, pakikinig, at sama-samang paglilingkod, patuloy nating binubuo ang isang Simbahang buhay at mapagkalinga....
18/05/2026

Sa pagkakaisa, pakikinig, at sama-samang paglilingkod, patuloy nating binubuo ang isang Simbahang buhay at mapagkalinga. Ang Sangguniang Sinodal na Sambayanang Kristiyano ng Baler ay patuloy na kumikilos para sa mas malalim na pananampalataya, mas bukas na pakikilahok, at mas mapagmalasakit na paglilingkod sa sambayanan. Sama-sama tayong lumalakad bilang iisang Simbahan tungo sa paghahari ng kagandahang-loob ng Diyos.

#𝐒𝐢𝐦𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐒𝐢𝐧𝐨𝐝𝐚𝐥


17/05/2026

Sa araw ng Pag-akyat ni Hesus sa Langit, muli nating pinapaalala sa ating mga puso na ang Kanyang misyon sa lupa ay hindi nagtapos sa krus o sa muling pagkabuhay, kundi nagpatuloy sa bawat pusong nananalig at patuloy na sumasampalataya sa Kanya. 🤍✨

Ang Kanyang pag-akyat ay hindi paalam, kundi isang pangako—na Siya ay mananatiling buhay sa ating pananampalataya, sa bawat panalangin, sa bawat pagbangon, at sa bawat pagkakataong pinipili nating magmahal at gumawa ng mabuti. 🙏🏻
Sa gitna ng ating mga pagsubok, pangamba, at pagod sa buhay, nawa’y maging paalala ang araw na ito na may Diyos na naghahari sa langit ngunit patuloy na gumagabay sa atin dito sa lupa. Hindi man natin Siya nakikita, dama natin ang Kanyang presensya sa bawat biyaya, proteksyon, at pagmamahal na ating natatanggap araw-araw. ☁️🤍

“Habang Siya’y umaakyat sa langit, iniwan Niya sa atin ang pag-asa na balang araw, makakasama rin natin Siya sa Kanyang kaharian.” ✨

Mapagpalang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit!

( Ang Video na ito ay kuha sa nakalipas na Senakulo de Baler na kung saan isinadula ang maringal na pag-akyat ni Hesus sa langit)

13/05/2026
Ipagdasal Natin ang Bansang Pilipinas 🇵🇭Sa panahong nahaharap ang ating bayan sa iba’t ibang hamon at pagsubok, muli tay...
12/05/2026

Ipagdasal Natin ang Bansang Pilipinas 🇵🇭

Sa panahong nahaharap ang ating bayan sa iba’t ibang hamon at pagsubok, muli tayong inaanyayahan na magkaisa sa panalangin para sa ating minamahal na bansa. Hilingin natin sa Diyos na patuloy Niyang gabayan ang bawat Pilipino upang piliin ang tama, panindigan ang katotohanan, at itaguyod ang kabutihang panlahat.

Sa ating mga panalangin, ipagkatiwala natin ang kinabukasan ng bayan—ang mga pinuno, ang mga pamilya, ang kabataan, at ang bawat mamamayan. Nawa’y manaig ang katotohanan at katarungan sa ating lipunan, sapagkat ang mali ay mali at ang tama ay tama.

Sama-sama tayong manalangin para sa kapayapaan, pagkakaisa, at pag-asa ng ating bansang Pilipinas.



12/05/2026

FULL TEXT: The CBCP released a statement Tuesday urging the Senate to promptly convene as an impeachment court for Vice President Sara Duterte.

"To delay the trial is to delay justice for both the Filipino people and the Vice President," the bishops said.

You can also read the statement here: https://tinyurl.com/4cmuz2z9

Sa bawat yakap ng isang ina ay naroon ang pag-ibig na walang kapalit, sakripisyong walang hinihinging kapalit, at panana...
10/05/2026

Sa bawat yakap ng isang ina ay naroon ang pag-ibig na walang kapalit, sakripisyong walang hinihinging kapalit, at pananampalatayang patuloy na gumagabay sa bawat pamilya. 💙

Ngayong Araw ng mga Ina, taus-puso naming ipinagdarasal at pinasasalamatan ang lahat ng ilaw ng tahanan na walang sawang nag-aaruga, nagmamahal, at nagsisilbing haligi ng pamilya.
Maligayang Araw ng mga Nanay!

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon at gabayan ni Mahal na Birheng Maria.



Address

Rizal Street Poblacion
Baler
3200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Luis Obispo Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category