01/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Kongkretong Suporta sa Agrikultura at Kalusugan, isinulong ng Sangguniang Panlalawigan
Isang malaking hakbang tungo sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ang isinulong ng 16th Sangguniang Panlalawigan ng Aurora matapos nitong aprubahan ang serye ng mga ordinansa at resolusyong nakatuon sa kapakanan ng mga magsasaka, mangingisda, at mamamayan ng lalawigan.
๐ด๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐
Sa ika-45 Regular Session na ginanap noong Mayo 26, 2026, sa pamumuno ni Vice Governor Patrick Alexis Angara, pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang dalawang pangunahing panukalang ordinansa ng bise gobernador na naglalayong maghatid ng mga kongkretong suporta sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.
Isa sa mga ito ang Proposed Ordinance No. 05-031 o ang Sagip Agrikultura Ordinance na isinusulong ang lokalisasyon ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Act sa pamamagitan ng pagtatatag ng Aurora Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program (Aurora-FFEDP). Sa ilalim ng programa, palalakasin ang kapasidad ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng enterprise clustering, value chain development, at pag-aalis ng mga middleman. Tatayo ang Pamahalaang Panlalawigan bilang aggregator o tagapamagitan na direktang bibili ng mga lokal na produkto para sa pangangailangan ng mga ospital, piitan, at iba pang tanggapan ng kapitolyo.
Pinagtibay din ang Proposed Ordinance No. 08-036 o ang Post-Harvest Facilities Support Ordinance, na nagtatatag ng programa sa pagkakaloob ng mga makabagong post-harvest facilities tulad ng bodega, rice mills, dryers, at cold storage sa mga estratehikong lugar sa Aurora. Layunin nitong mabawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka at mangingisda dulot ng pakasira ng kanilang mga ani sa panahon ng kalamidad at epekto ng climate change, habang pinapataas ang kanilang kita alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act Nos. 8435 at 10601.
Kaugnay nito, ipinasa rin ng Sanggunian ang resolusyon ni Bokal Sheenalyn B. Tablang na nagpapatibay sa One-Town-One Product Agriculture (OTOP-Agri) Framewok upang higit na maisulong ang mga lokal na produkto at agri-tourism sa lalawigan.
Kinatigan din ang resolusyon ni Bokal Mariano C. Tangson na humihiling sa Pamahalaang Panlalawigan na maglaan ng Php10 miyong subsidiya para sa mga rice farmers ng Aurora bilang tugon sa kasalukuyang krisis sa presyo ng bigas.
Pinayagan din ang kasunduan sa DSWD para sa Project LAWA at BINHI upang matulungan ang komunidad na makaangkop sa epekto ng El Niรฑo at mapabuti ang suplay ng tubig.
๐บ๐๐๐๐๐๐๐-๐ด๐๐
๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Samantala, sinuportahan din ng kapulungan ang mga resolusyong nagbibigay-pahintulot sa pagpasok ng Pamahalaang Panlalawigan sa mahahalagang kasunduan para sa pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan. Kabilang dito ang dalawang Memorandum of Agreement sa Premiere General Hospital of Nueva Ecija-Baler, Aurora, Inc. para sa newborn hearing screening at follow-up care ng mga bagong silang na sanggol; at ang Contract of Affiliation ng UP at AMH para sa pagtitiyak ng clinical training area para sa mga mag-aaral sa medisina.
Isinulong din ang pagpapalakas sa proteksyon sa kababaihan at kabataaan sa pamamagitan ng kasunduan sa Aurora Provincial Police Office at Child Protection Network para sa pagbibigay ng agarang tulong at interbensyon sa mga biktima ng pang-aabuso.
๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐ด๐ฏ, ๐ท๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐ฑ๐ถ, ๐๐ ๐ถ๐บ๐บ๐ท, ๐๐๐๐๐๐๐
Sa iba pang usapin, binigyang-linaw sa plenaryo ang tungkol sa procurement ng mga medical supplies and equipment, at pasahod sa mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) sa Aurora Memorial Hospital (AMH). Iginiit nina Bokal Mariano C. Tangson, Bokal Pedro โBobongโ Ong, at Bokal Norma Palmero ang palagiang pagtiyak sa sapat at tuluy-tuloy na suplay ng gamot, kagamitang medikal, at serbisyo ng mga health workers upang masiguro ang mabilis at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga kalalawigan. Inihayag naman ni PPDC at BAC Chairperson Armida Palispis, isa sa mga naging panauhing tagapagsalita, na nagsagawa na ng mga hakbang ang Bids and Awards Committee para dito, kabilang ang pagbuo ng isang hiwalay na yunit o team na tututok sa mga pangangailangan ng mga ospital.
Tinalakay rin ang binubuong Organizational Structure and Staffing Pattern (OSSP) ng Pamahalaang Panlalawigan, na ayon kay Vice Goverrnor Angara, ay isang pangmatagalang plano para sa mas epektibo at may pananagutang pamamahala na naaayon sa pangangailangan ng serbisyo at kakayahang pinansyal ng lalawigan. Kaugnay nito, hiniling niya ang pagtutulungan ng lahat ng departamento para sa mabilis na pagsasaayos at sa responsableng pagpapatupad nito.
Ang mga usapin sa OSSP at kontrata ng mga JO at COS ay isinangguni sa kaukulang komite para sa mas malalim na pagsusuri at mga kinakailangang aksyon.
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐
Bilang pagbibigay-pugay naman sa dalawang kabataang nagdala ng pambansang karangalan sa lalawigan, nagpasa ng magkahiwalay na resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan upang kilalanin at batiin sina Piona Russel DC. Fuentes, na nakakuha ng Top 9 sa March 2026 Licensure Examination for Teachers, at Jester Renz Robedizo ng Dilasag, na nasungkit ang Gold Medal sa Long Jump-Secondary Boys sa Palarong Pambansa 2026. Ang kanilang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon at patunay sa galing, disiplina, at determinasyon ng mga anak ng Aurora.
๐๐ง๐๐ฉ๐๐ง: Lyn C. Robles
๐๐๐ค๐ฉ๐ค๐๐ง๐๐ฅ๐๐๐ง: Erick I. Dizon, Jennel N. Lacsamana
๐๐๐ค๐ฉ ๐๐๐๐ฉ๐ค๐ง: John David L. Fernandez