LAWA and BINHI Project - Balayan

LAWA and BINHI Project - Balayan This page is dedicated exclusively to Project LAWA and Project BINHI.

Lawa at Binhi ProjectSa pangunguna ng DSWD–CALABARZON, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ...
15/05/2025

Lawa at Binhi Project

Sa pangunguna ng DSWD–CALABARZON, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng PGENRO-Batangas, OPA-Batangas, at PSWDO-Batangas, ay iginawad sa Bayan ng Balayan ang Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished).

Ang Project LAWA at BINHI ay bahagi ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation ng DSWD. Layunin ng programang ito na palakasin ang kakayahan ng mga pamilyang Pilipino na makaangkop sa epekto ng pagbabago ng klima, habang tinutugunan ang mga pangunahing isyu gaya ng kakulangan sa sapat at masustansyang pagkain at mapagkakakitaang kabuhayan.

Sa kasalukuyan, ang proyekto ay isinasagawa sa bayan ng Balayan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Agriculture Office, MENRO, at MSWDO. Isang daang (100) benepisyaryo, na binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, at iba’t ibang miyembro ng sektor tulad ng mga Persons with Disabilities (PWD) MULA SA Barangay Caloocan, Carenahan, at Navotas, ang aktibong kalahok sa proyekto.

Ang mga benepisyaryo ay sasailalim sa 20-araw na programa na nakatuon sa mga gawaing may kinalaman sa pagbubukid at pangingisda, tulad ng pagsasaayos ng mga sakahan, pagtatanim ng mga halamang pagkain, paghahanda ng mga fish ponds, at iba pang gawaing magpapalakas sa seguridad sa pagkain at kabuhayan ng kanilang komunidad.

Address

Baranagy Caloocan
Balayan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LAWA and BINHI Project - Balayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share