08/06/2026
Naging matagumpay ang pamamahagi ng school supplies para sa ating mga college students dito sa Barangay Diez. Una sa lahat, taus-puso po kaming nagpapasalamat sa Diyos sa patuloy Niyang paggabay at sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Diez.
Ang munting handog na ito ay tanda ng aming buong pusong suporta at pagpapahalaga sa edukasyon ng kabataang mag-aaral ng ating barangay. Nawaโy nakapagbigay ito ng tulong at kasiyahan sa bawat isa sa inyo.
Maraming salamat din sa lahat ng taxpayers na naging bahagi ng tagumpay na ito. Patuloy po kaming magsisilbi para sa kapakanan ng kabataan at ng buong komunidad.