08/04/2026
PAALALA SA MGA KABATAAN NG BARANGAY PATUGO
Alinsunod sa mga alituntunin ng DILG, ipinapaalala po sa lahat ang mga sumusunod na regulasyon na ibinaba ng Office of the Municipal Mayor upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating barangay:
⏰ Ipinagbabawal ang paggamit ng videoke lampas 10:00 ng gabi.
🚫 Ipinagbabawal ang pagkonsumo ng alak sa pampublikong daan o kalsada.
👕 Ipinagbabawal ang paglabas sa pampublikong lugar nang walang pang-itaas na damit.
🕙 Mahigpit na ipinatutupad ang curfew sa mga menor de edad lampas 10:00 ng gabi.
Hinihikayat ang lahat ng kabataan na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin para sa kapayapaan, disiplina, at kaligtasan ng bawat isa sa ating komunidad.
📎 Credits sa dokumentasyon o litrato na mula sa Office of the Municipal Mayor.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon.
— Sangguniang Kabataan ng Patugo