24/09/2025
Maging handa at alerto bago pa man dumating ang bagyo sa ating lugar.
* Suriin ang bahay kung may sira ang kisame, pinto o bintana, at ipaayos ito agad. Itali ang mga bubong at iba pang maaaring liparin ng hangin.
* Putulin ang mga sanga ng puno na maaaring bumagsak.
* Tiyakin na kumpleto ang iyong emergency go-bag at fully charged ang iyong phone at powerbank.
* Maging up-to-date sa typhoon signal warnings. Lumikas agad sa evacuation center o ligtas na lugar kapag may babala na mula sa PAGASA, LGU o barangay.
* Kung madalas magbaha sa lugar, itaas ang mga gamit na maaaring maabutan ng tubig-baha.
* Kung kailangan mag-evacuate, patayin ang kuryente, isara ang tangke ng gas, at i-lock ang mga pinto.
Kapag humina na ang hagupit ng bagyo, tiyaking safe pa rin ang pamilya.
* Makinig sa balita at tiyaking ligtas na sa labas.
* Kung nag-evacuate, tiyakin muna na ligtas ang inyong lugar bago bumalik sa bahay.
* Suriin o ipasuri ang mga linya ng kuryente kung ligtas na ito gamitin ulit.
‼️BALATAN EMERGENCY HOTLINES‼️
BFP Balatan - 09664836633
PNP Balatan - 09985986009
PCG Balatan - 09811013778
MDRRMO BALATAN - 09125040210
EDMERO emergency Hotline 1 - 09985762071
EDMERO emergency Hotline 2 - 09985762072
EDMERO Emergency Hotline Globe - 09175260647