09/06/2026
๐ #๐๐ฅ๐๐ฎ๐๐ข๐๐๐๐ซ๐ซ๐๐ญ๐จ ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ ๐ญ๐จ ๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ฏ๐ #๐๐๐ง๐ง๐ข๐ฌ๐๐๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐โ๐ฌ ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ง๐๐ฆ๐.
Dahil sa naging usapin tungkol sa petisyon ni Claudia Barretto, maraming nagtatanong: โPwede bang tanggalin na lang ng anak ang apelyido ng kanyang ama at gamitin na lamang ang apelyido ng kanyang ina?โ
Ang sagot ay: Hindi ito automatic, at hindi rin ito simpleng usapin ng personal na kagustuhan.
Ang tunay na legal na tanong ay:
Maaari bang alisin ng isang tao ang apelyido ng kanyang ama at gamitin lamang ang apelyido ng kanyang ina nang hindi naaapektuhan ang kanyang filiation, legitimacy, o civil status?
1. Ang pagpapalit ng pangalan ay hindi karapatan na ibinibigay basta-basta.
Ayon sa Article 376 ng Civil Code:
โNo person can change his name or surname without judicial authority.โ
Ibig sabihin, kailangan muna ng pahintulot ng hukuman.
Sa kasong Wang v. Cebu City Civil Registrar, sinabi ng Korte Suprema na hindi sapat ang simpleng kagustuhan, convenience, o personal preference upang payagan ang change of name. Kailangang may makatwiran at seryosong dahilan.
2. Kung lehitimong anak si Claudia
Ayon sa Article 364 ng Civil Code:
โLegitimate children shall principally use the surname of the father.โ
Mapapansin ang salitang โprincipallyโ at hindi โexclusively.โ
Sa kasong Alfon v. Republic, kinilala ng Korte Suprema na hindi naman ipinagbabawal ng batas ang paggamit ng apelyido ng ina kung may sapat na dahilan.
Sa Alanis III v. Court of Appeals, binigyang-diin din ng Korte Suprema na ang mga patakaran sa apelyido ay hindi dapat bigyang-kahulugan sa paraang salungat sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa ilalim ng Konstitusyon.
Kaya kung mapapatunayan ang mga lehitimong dahilan gaya ng:
โ๏ธ matagal nang paggamit ng apelyido ng ina;
โ๏ธ pag-iwas sa kalituhan;
โ๏ธ proteksyon ng pagkakakilanlan; o
โ๏ธ iba pang seryoso at makatwirang dahilan,
maaaring payagan ang petisyon sa ilalim ng Rule 103 (Change of Name).
Ngunit hindi karaniwang sapat ang simpleng sama ng loob o pagkasira ng personal na relasyon sa ama.
3. Kung ilehitimong anak naman
Iba ang magiging pagsusuri.
Sa ilalim ng Article 176 ng Family Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 9255, ang isang illegitimate child ay karaniwang gumagamit ng apelyido ng ina.
Maaari lamang gamitin ang apelyido ng ama kung kinilala siya ng ama alinsunod sa itinakda ng batas.
Dahil dito, kung ang paggamit ng apelyido ng ama ay bunga ng legal na pagkilala, ang pagtanggal nito ay maaaring magkaroon ng epekto sa civil registry records at sa usapin ng filiation.
Sa kasong Gan v. Republic, ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang paggamit ng apelyido ng ama ng isang illegitimate child ay direktang nakaugnay sa legal na pagkilala ng ama.
Magkaiba ang:
Pagpapalit ng pangalan; at
Pagbabago ng filiation o legal na relasyon bilang anak.
Maaaring pahintulutan ng batas ang una.
Ngunit hindi maaaring gamitin ang simpleng petition for change of name upang baguhin o burahin ang legal na katotohanan kung sino ang iyong ama.
Sa kasong Miller v. Miller y Espenida, nilinaw ng Korte Suprema na ang mga remedyong ginagamit para sa pagbabago o pagwawasto ng civil registry entries ay hindi maaaring gawing shortcut upang resolbahin ang usapin ng legitimacy, paternity, maternity, o civil status.
Sa madaling salita:
Maaaring payagan ng hukuman ang pagtanggal ng apelyido ng ama.
Ngunit hindi maaaring gamitin ang simpleng change of name proceeding upang burahin ang legal na katotohanang ang ama ay ama pa rin ng anak.
Kaya ang totoong laban dito ay hindi tungkol sa apelyido.
Ang totoong legal na isyu ay ang pagkakaiba ng identity at filiation.
Maaaring baguhin ng hukuman ang una kung may sapat na dahilan.
Ngunit ang ikalawa ay hindi basta-basta nababago o nabubura sa pamamagitan lamang ng pagpapalit ng pangalan.
Ang apelyido ay bahagi ng pagkakakilanlan, ngunit hindi nito awtomatikong binabago o binubura ang relasyon ng magulang at anak na kinikilala ng batas. |