19/09/2024
𝗦𝗔𝗚𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗥𝗩𝗘𝗬 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡
Simula nang mailunsad ang “E-Mobility for Sustainability” Program sa ating Lalawigan noong nakaraang taon, patuloy po nating pinag-aaralan ang iba’t ibang estratehiya upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng bawat Bataeño ukol sa benepisyo ng paggamit ng Electric Vehicle (EV).
Bahagi po ng ating pagsuporta sa mga EV owners at users sa Bataan, pinagsusumikapan po nating mapadami ang mga charging stations sa iba’t-ibang lugar sa ating probinsya.
Kaugnay nito ay inaanyayahan po natin ang lahat na sagutan ang survey na ating isinasagawa upang makakalap ng karagdagang kaalaman ang ating pamahalaan sa layuning mas mapalaganap ang paggamit ng EV sa Bataan na nakapagtatala ng konsiderableng mababang konsumo ng gasolina sabay sa benepisyo nito sa ating kapaligiran.
I-click lamang po ang link na ito: https://forms.gle/b95XvTA9kU9EEmSCA
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.