Gab The Trail Dog

Gab The Trail Dog They Don’t Judge, They Dont Lie, Dogs are true Friends.

07/01/2026

🏞️Nature Spot + Friends
Tag your Crew!

22/12/2025

Si gab yong security at assistant guide ng LAKBAY BERDE 💪
Kapag alam nyang naiiwan ka balikan ka nya para tignan at ituro Ang trail.

04/12/2025
OG 🫵
26/11/2025

OG 🫵

Real talk
26/11/2025

Real talk

makikita mo palagi sa caption na ang hiking daw ang kanilang pahinga,

Ngunit kung tutuusin, hindi madali ang pag-akyat. Bawat hakbang ay napakabigat, bawat hingal ay nagpapaalala kung gaano kahirap suungin ang matarik na daan. Bugbog ang binti sa pag-ahon, tumatagktak ang pawis sa buong katawan, at minsan ay tila hindi nauubos ang ahuning kailangang akyatan.

Ang mga batong madulas, ang mga ugat ng puno na nakaharang sa daan, at ang hangin na paminsang minsa’y tila ba nang-iinis at di nagpaparamdam, idagdag mo pa ang matinding init ng araw sa mga lantad na lugar, gumastos kana, napagod kapa! 🤣

lahat ito ay parte ng pagod na hindi mo makikita sa mga litrato at story sa social media 😀 di kapa makalakad kinabukasan, minsan may lagnat pa!

Nakakapagod ang hiking. Nakakapagod ang pag-akyat, ang pagbitbit ng gamit, ang pagdaan sa landas na tila walang katapusan.

Pero sa bawat paghinto upang huminga, may tanawin namang bumabawi sa pagod. Ang pagod ng katawan ay natatabunan ng tahimik na ihip ng hangin, ng mga dahong sumasayaw, at ng liwanag ng araw na dumadampi sa balat.

Unti-unting lumuluwag ang dibdib mo, hindi dahil sa comfort, kundi dahil sa kapayapaan ng paligid. idagdag mo pa ang sayang dulot na makita mo ang iyong mga kasama na nakangiti din habang ineenjoy ang kagandahan ng kalikasan.

At doon mo mapapagtanto ang tunay na “pahinga” ng hiking. Hindi ito pahinga sa katawan. Hindi ito pahinga sa pagod na pisikal. Ang hiking ay pahinga mula sa magulong isip, sandali mong nalilimutan ang mga problema sa trabaho, mga hindi matapos-tapos na obligasyon, mga hindi pagkakaintindihan sa pamilya, at sa lahat ng bagay na hindi mo kayang kontrolin.

Habang umaakyat ka, napapalitan ng tahimik na pagninilay ang ingay ng mundo. Habang humihingal ka, tila unti-unting hinuhugasan ng hangin ang bigat ng loob mo. At habang tumititig ka sa tanawing nakalatag, parang nagiging malinaw ang lahat ng malabo, at sa pagdating mo sa tuktok, mapapagtanto mong malakas ka at kaya mong gawin ang mga bagay basta ginusto mo!

Nakakapagod ang hiking, oo. Pero sa dulo ng pagod, naroon ang pahinga na hindi kayang ibigay ng k**a. Sa pagdating mo sa iyong destinasyon, tila ba ang katahimikan ng kalikasan ay bumubulong sayo ng:

“alam ko pagod ka na, dito ka muna at magpahinga.”

Ano kaya pinag tatawanan ng dalawang ito?
25/11/2025

Ano kaya pinag tatawanan ng dalawang ito?

Ikawww namaaaannnnnn
22/11/2025

Ikawww namaaaannnnnn

Watttttt a rhymeeeeeeeeee 🫡
22/11/2025

Watttttt a rhymeeeeeeeeee 🫡

22/11/2025

Simpleng ilog Kaso payat Ang suso 🤣

Address

Purok 2 Santol Street , Munting Batangas
Balanga
2100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gab The Trail Dog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share