28/09/2026
PAGDIRIWANG NG KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026
Ngayong ika-28 ng Setyembre, nakikiisa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) at ang Bataan Peninsula State University (BPSU) sa buong sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng "Kainang Pamilya Mahalaga Day".
Alinsunod sa Proclamation No. 60, s. 1992 na nagdeklara sa huling linggo ng Setyembre bilang Family Week, at Proclamation No. 326, s. 2012 na nagtatakda sa ika-apat na Lunes ng Setyembre ng bawat taon bilang "Kainang Pamilya Mahalaga Day", kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagsasalo-salo ng pamilyang Pilipino bilang pundasyon ng pagkakaisa, pagmamahalan, at matatag na komunikasyon.
Ngayong taon, pinagtibay ito ng Memorandum Circular No. 136, s. 2026 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph G. Recto, na nag-aatas ng half-day work suspension sa lahat ng ahensya ng gobyerno simula 1:00 PM ngayong araw upang bigyang-daan ang bawat kawani na makasama ang kanilang pamilya.
Naniniwala ang CART na ang matatag na pamilya ang pinagmumulan ng mahusay na serbisyo publiko.
Para sa Lingkod-Bayani: Ang pagbibigay ng oras para sa pamilya ay hindi hadlang sa serbisyo, kundi inspirasyon upang mas maging episyente, maagap, at may malasakit sa paglilingkod. A well-rested and family-supported public servant is a more productive public servant.
Para sa Mag-aaral at Komunidad: Bilang pamantasan ng Bayan, kinikilala ng BPSU na ang hapag-kainan ang unang silid-aralan — kung saan nahuhubog ang pagpapahalaga, disiplina, at pakikipagkapwa. Ang matatag na pamilya ay katuwang ng pamantasan sa paghubog ng mga lider ng kinabukasan.
Kaakibat ng Ease of Doing Business: Ang pagdiriwang na ito ay paalala na ang tunay na layunin ng repormang anti-red tape ay mas maraming oras para sa mamamayan na ilaan sa mas mahalagang bagay — ang kanilang pamilya.
Sa araw na ito, hinihikayat namin ang lahat ng kawani, g**o, mag-aaral, at kawani ng gobyerno na maglaan ng oras: maghain, magsalo, at magkumustahan.
Dahil sa BPSU CART, naniniwala kami: Ang pamilyang nagkakasalo, sabay-sabay na umaasenso.
||𝐎𝐍𝐄 𝐁𝐏𝐒𝐔||
Families, in all their diverse forms and as the basic unit of society, play a vital role in nurturing individuals, fostering inclusive communities, and building a more progressive and resilient nation.
Today, pursuant to Proclamation No. 326, s. 2012, the Philippines celebrates “Kainang Pamilya Mahalaga” Day, an occasion that provides an avenue for families to strengthen their bonds, nurture meaningful relationships, and spend quality time together.
The BPSU family joins the nation in commemorating the 34th National Family Week, celebrating the importance of family as a source of love, support, and unity in building a stronger community and nation.
In this regard, we invite the entire BPSU community to join the celebration by sharing their favorite photos and cherished moments with their families in the comment section below.
May we all have our best Kainang Pamilya Mahalaga Day experience, Peninsulares!