12/09/2025
๐ฆ๐๐ฒ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ผ๐ป๐ฒ: ๐๐ฟ๐ผ๐บ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐บ ๐๐ผ ๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐น๐ถ๐๐
Ngayong araw, lubos po tayong natutuwa na ang Teen Information Center (TIC) โ Brgy. Bagong Silang ang napili bilang kinatawan ng Lalawigan ng Bataan para sa implementasyon ng isa sa mga localization ng Population Agendaโisang inisyatibo ng probinsya para sa pagtatatag ng Teen Information Center sa ilalim ng Adolescent Health and Development (AHD) Program ng Provincial Population Office, na isinusulong ngayon in national level.
Pormal na binisita at masusing sinuri ng mga validators ang ating TIC upang alamin kung ito ay kwalipikado at may sapat na kapasidad upang mapabilang sa mga Top Finalists in national level. Isa sa mga positibong ikinatuwa ay ang kanilang paghanga sa kumpletong pasilidad ng ating TIC. Bukod dito, kanila ring napansin at pinuri ang mga best practices mula sa pagtatatag, serbisyong iniaalok, proseso, at mga programang nakaangkla sa Provincial at City Government initiatives.
Bagamaโt hindi pa tayo opisyal na kabilang sa Top Finalists, malaking karangalan na ang marepresenta ang ating lalawigan in national level. Ito ay patunay na ang pangarap natin ay nagsisimula nang maging realidad.
Naging posible ang lahat ng ito dahil sa dedikasyon at suporta ng ibaโt ibang indibidwal at tanggapan ng pamahalaan tulad nina:
โข Governor Joet Garcia
โข Mayor Raquel Garcia
โข Vice Mayor Francis Garcia
โข Sangguniang Panglungsod
โข Sangguniang Barangay Council sa pangunguna ni Kapitana Emma Austria
โข Sangguniang Kabataan Council sa pangunguna ni SK Chairman Von Harley Seรฑeres
Kasama rin ang naging tulong at paggabay nina:
โข Ms. Rossana P. Verdida, Former Provincial Population Officer
โข Ms. Sarah Palaypay, Population Program Worker II โ Balanga City
โข Mr. Oliver Enriquez, Nurse IV, Bataan Health Promotion Board
โข Ms. Rose Atuan, Barangay Midwife
โข Ms. Vilma G. Rodrigo, Designated City Population Officer / Midwife III
Taos-puso ring pasasalamat sa mga naging bahagi ng Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award (RMSKPA) National Validation:
โข Dr. Miriam Cecilia B. Sales โ Medical Officer IV, DOH Central Office
โข Ms. Mary Jane A. Casimiro โ OIC-Division Chief (CDFOD), Commission on Population and Development Central Office
โข Adreal Denver C. Monterona โ Assistant Regional Director, CPD III
โข Anton C. Miranda โ Information Officer I, CPD III
Muli, maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng oras, suporta, at tiwala upang maging posible ang hakbang na ito para sa pangarap ng TIC Bagong Silangโang makapagbigay ng makabuluhang serbisyo para sa bawat kabataan at makilala sa larangan ng pagbibigay ng programa in national level.
Ito pa lamang ang simula, at makakaasa po kayo na patuloy ang aming paglilingkod para sa ating mga kabataan.