Godofredo "Doc Bong" Galicia Jr.

Godofredo "Doc Bong" Galicia Jr. Official Page of 1st District Board Member Doc Bong Galicia

07/09/2026

na po ang mga trabaho sa mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan simula 3:30 ng hapon, ngayong Lunes, ika-7 ng Setyembre, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensiyang nagbibigay ng pangunahing tulong at disaster response.

Ang pagsuspinde naman po ng trabaho sa mga pribadong kumpanya ay ipinauubaya sa pagpapasya ng kani-kanilang pamunuan.

Patuloy na mag-ingat, maging mapagmatyag, at makinig sa mga opisyal na abiso sa mga panahong ito.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

07/09/2026

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž - ๐—”๐—™๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก ๐—–๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ | ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐— ๐—ข๐—ก๐——๐—”๐—ฌ)
๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ป ๐˜๐—ผ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ

Dahil sa patuloy na banta ng masamang panahon sa Bayan ng Orani at alinsunod sa rekomendasyon ng Orani Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, at bunsod ng pagtaas sa Orange Rainfall Warning sa Bataan, ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฒ mula Kindergarten hanggang Grade 12, pampubliko man o pribadong paaralan ngayong araw, Setyembre 7, 2026.

Samantala, maaari namang magsagawa ng Alternative Delivery Modes (ADM) ang mga paaralan ayon sa desisyon at patakaran ng kani-kaniyang school administration.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling alerto, ligtas, at sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya.

Para sa agarang tulong, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero:

๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™ˆ๐˜ฟ๐™๐™๐™ˆ๐™Š - 0998-847-1735
๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™‹๐™Š๐™‡๐™„๐˜พ๐™€ ๐™Ž๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰ - 0998-598-5364
๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™๐™„๐™๐™€ ๐™Ž๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰ - 0922-388-5123

07/09/2026

DOH: WALANG SUGAT PERO LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA PA RIN KONTRA SA LEPTOSPIROSIS!

Narito ang mga sintomas na dapat bantayan:
โ–ช๏ธLagnat at panginginig
โ–ช๏ธPananakit ng ulo
โ–ช๏ธPananakit ng binti
โ–ช๏ธPamumula ng mata
โ–ช๏ธPaninilaw ng balat at mata (Jaundice)

Agad magtungo sa pinakamalapit na health station sa inyong lugar sakaling makaramdam ng alin sa mga nasabing sintomas.

07/09/2026
05/09/2026
03/09/2026
03/09/2026

Address

The Bunker, Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Balanga
2110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Godofredo "Doc Bong" Galicia Jr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share