29/09/2025
DSWD Central Luzon at Philippine Army, Magkatuwang sa Pagpapatupad ng NTF-ELCAC sa Bataan.
Bataan โ Patuloy na pinagtitibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 โ Central Luzon ang pakikipagtulungan nito sa Charlie (Courageous Fighter) Company, 69th Infantry Battalion, 7th Infantry Division, Philippine Army sa pagpapatupad ng ibaโt ibang social development program interventions ng ahensya.
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 70 o Pagpapatibay sa Whole-of-Nation Approach tungo sa inklusibo at pangmatagalang kapayapaan, na nagresulta sa pagbuo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at sa paggamit ng National Peace Framework sa Gitnang Luzon.
Layunin ng programa na maisulong ang pagkakaroon ng tahimik, ligtas, at maunlad na pamayanan kung saan nangingibabaw ang kapayapaan at kaayusan, at natitiyak ang pagpapaunlad ng kabuhayan tungo sa Bagong Pilipinas. Sa ilalim nito, ang lahat ng sangay ng pamahalaan ay aktibong nakikibahagi upang maihatid ang mga pangunahing serbisyo, maipatupad ang social development programs, at mapalakas ang partisipasyon ng mga komunidad.
Bilang tugon, sa pamamagitan ng SWAD Bataan โ Sustainable Livelihood Program (SLP), isinagawa ang Stress Management Training para sa mga kasapi ng Mt. View Upland Farmer SLPA. Layunin ng aktibidad na hindi lamang palakasin ang personal na kakayahan ng bawat kalahok ng programa, kundi higit na patatagin ang samahan at ugnayan ng kanilang asosasyon.
Isinagawa din ang capacity building activity patungkol sa tamang pamamahala ng stress na syang magagamit sa kanilang kasalukuyang proyektong cattle raising, ibaโt ibang gawaing pangkabuhayan, at pang-araw-araw na suliranin ng mga miyembro. Sa pamamagitan ng mga pamamaraan tulad ng relaxation techniques, tamang pag paplano ng oras, at positive mindset, natutunan ng mga kalahok kung paano manatiling kalmado, malusog, at handa sa anumang sitwasyon.
Para sa asosasyon, ang training ay nagsilbing daan upang mapatatag ang pagkakaisa at kooperasyon ng bawat kasapi. Natutunan nilang suportahan ang isaโt isa at magsilbing sandigan sa panahon ng matinding pressure. Bukod dito, nagkaroon sila ng mas malinaw na pag-unawa na ang maayos na stress management ay susi upang maging mas produktibo, mas mahusay sa komunikasyon, at mas organisado sa kanilang kolektibong gawain.
Sa kabuuan, ang pagsasanay ay naglatag ng pundasyon para sa Mt. View Upland Farmer SLPA upang maging isang matatag at empowered na grupo, handang harapin ang ibaโt ibang hamon ng kabuhayan at pamayanan nang may positibong pananaw at pagkakaisa.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad ay pinangunahan ni 2LT Christine L. Amparo (INF) PA, Charlie (Courageous Fighter) Company, 69IB, 7ID, PA, katuwang sina SGT Arjay P. Seguin (INF) PA at PVT Ma. Anna Ginellie B. Gamongan (INF) PA. Mula naman sa pamunuan ng DSWD Field Office III sa ngalan ni Dir. Venus F. Rebuldela, kinatawan si SLP Bataan Project Development Officer II Khristine D. Fernandez para sa nasabing aktibidad.
Ang inisyatibang ito ay patunay ng mas pinaigting na pagtutulungan ng DSWD at Philippine Army sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa mga pamayanan sa Gitnang Luzon.