01/04/2020
COVID19 UPDATE: Batay sa huling ulat ng PHO, umabot na po sa labing apat (14) ang bilang ng nag positibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan. Sila po ay mula sa Lungsod ng Balanga, Samal, at Limay.
Sa kabuuan, as of 10:22am, April 1, 2020, ang mga PUM ay umabot na sa 4,492; ang mild PUI ay 745; moderate to severe PUI ay 93; isa (1) ang pumanaw, at tatlo (3) na ang nakakarecover.
Narito ang talaan ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating probinsya:
1. Ang unang kaso na si PH64 M32 na tubong Orani ay nagtatrabaho sa Maynila at nang makaramdam ng sintomas ay umuwi sa Bataan. Siya ay idineklara nang recovered ngunit kailangan pa rin nyang sumailalim sa post-admission quarantine sa isang pasilidad na itinalaga ng DOH. Kung kaya’t hindi pa rin sya maaaring makihalubilo sa mga tao sa loob ng 14 na araw. Matapos nito, sya ay muling sasailalim sa testing.
2. Ang pangalawang kaso na si PH303 M24 na kasama diumano ni PH64 M32 sa dormitoryo sa Maynila ay tubong Limay at umuwi din sa Bataan nang makaramdam ng sintomas ng respiratory diseases. Siya ay inilipat na rin sa isang pasilidad na itinalaga ng DOH para dun nila tapusin ang 14 na araw na post admission quarantine bago sila muling isailalim sa testing.
3. Si PH 529 M 55 na na admit sa hospital noong ika-15 ng Marso nang makaramdam ng mga sintomas na ubo, sipon at diarrhea ay discharged na rin sa ospital at kasalukuyang tinatapos ang 14-day post admission quarantine kasama ng naunang dalawang kaso. Bagamat tubong Orion, sya ay namamalagi sa Taguig, Metro Manila kung saan sya nagtatatrabaho, at nung umuwi dito ay may mga sintomas na ng COVID 19.
4. Si PH1072 M53 ay mula sa Abucay na nagtatrabaho sa Rizal Province. Nag LBM sya nang tatlong araw, nagpa admit sa ospital noong ika-23 ng Marso at sa ngayon ay wala nang nararamdamang sintomas.
5. Si PH 1074 M58 ay mula sa Samal na nanggaling sa Maynila. Nagpa admit sa ospital noong ika-21 ng Marso dahil sa LBM, pananakit ng tiyan at lagnat. Sa ngayon ay wala na rin syang nararamdamang sintomas.
6. Isang lalaking 44 na taong gulang mula sa Mariveles, walang travel history na nakaramdam ng hirap sa paghinga at lagnat. Na admit sa ospital noong ika-22 ng Marso at sa ngayon ay wala nang nararamdamang sintomas.
7. Ang ika-7 ay isang babaeng doktor na edad 70. Lumabas sa contact tracing na nagkaroon sila ng mga panauhin sa kanilang tahanan sa Balanga City na nagmula sa Maynila. Noong ika-10 ng Marso sya ay nilagnat, sinipon, inubo, sumakit ang lalamunan at nahihirapang huminga. Dinala sya sa isang ospital dito sa Balanga noong ika-15 ng Marso. Ayon sa huling resulta, negatibo ang kanyang test. At kasalukuyang mabuti ang pakiramdam.
8. Lumabas ang nakalulungkot na resulta ng COVID-19 test ng pumanaw na 57 taong gulang na lalaki mula sa Balanga noong ika-27 ng Marso, apat na araw matapos siyang na-admit sa ospital dahil sa lagnat, ubo at hirap sa paghinga. Dagdag pa rito, siya ay may comorbidity kung kaya’t siya ay itinuring na severe PUI.
9. Isang 58 taong gulang mula sa Lungsod ng Balanga ay nagpa admit sa ospital noong ika-26 ng Marso ay nagpositibo na rin sa COVID-19.
10. Isang 62 taong gulang na babae, taga Balanga City ang naka- admit sa Baypointe Hospital sa Subic mula noong ika-29 ng Marso. Ang travel history nya ay Quezon City.
11. Ang 13 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga ay naadmit sa ospital noong ika-25 ng Marso dahil pumutok ang kanyang appendix ngunit nagpositibo sa COVID-19.
12. Isang 70 taong gulang na lalaki mula sa bayan ng Limay naadmit sa ospital noong ika-29 ng Marso ay nagpositibo na rin sa COVID-19.
13. Isang 75 taong gulang na lalaki mula sa bayan ng Samal naadmit sa ospital noong ika-29 ng Marso ay nagpositibo na rin sa COVID-19.
14. Isang 44 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga ay nagpositibo na rin sa COVID-19.
Muli, ibayong pag-iingat at kooperasyon po ang aking hinihiling sa lahat; manatili sa tahanan at kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay ay ugaliing maghugas ng kamay at gawin ang social distancing.
Maraming salamat po.