09/06/2026
๐๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ ๐๐๐ฆ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐ก๐ ๐ข๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐
Noong Hunyo 9, 2026 sa Bataan People's Center, isinagawa ang Board and Bar Cash Refund of Financial Assistance Program para sa 740 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga board passers at mga magtatake pa lamang ng board at bar examinations.
Pinangunahan ni Mr. Jeffrey T. Calma, Acting OPG Department Head, ang pagbubukas ng programa na dinaluhan nina Vice Governor Hon. Ma. Cristina M. Garcia at Governor Hon. Jose Enrique โJoetโ S. Garcia III.
Nakiisa rin sa programa ang mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bataan na sina Mr. John Arthure Angeles, LEO III, at PD Mylene Evangelista, gayundin si Ms. Liza E. Concepcion mula sa Public Employment Service Office (PESO) Bataan.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na ipinakikita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ang suporta nito sa edukasyon at propesyonal na pag-unlad ng mga Bataeรฑo upang maging mas handa at globally competitive. Nagbigay rin ng career guidance at impormasyon hinggil sa mga oportunidad sa trabaho ang DOLE Bataan at PESO Bataan para sa mga benepisyaryo.