18/08/2026
I-comment na rito ang larawan ng anak mong lamang dahil bakunado sa MR-SIA!
Isa ka rin ba sa magulang na todo-bigay pagdating sa kaligtasan at proteksyon ng anak, o isa ka sa mga salungat ang paniniwala sa bakuna, mga ANTI-VAXXER kung tawagin?
Kaibigan, 2026 na at mahigit 50 years nang ginagamit sa buong mundo ang measles-rubella vaccines. Bahagi na ito ng progresibong pamumuhay sa patuloy na umuunlad na kabihasnan.
Mahigit 50 years na itong napatunayang ligtas at mabisang paraan para maiwasan ang malubhang komplikasyong dulot ng tigdas at tigdas-hangin. Kaya naman kahit wala pa ring gamot sa mga sakit na ito ay maaari ka pa rin maging kampante kung gagawin mong bakunado, protektado ang iyong anak!