21/12/2015
Gina Pedy Florante Atlaura Rene Rodriguez Ryma Anna Airtusa Fernando Marasigan
Una po sa lahat, wala po kaming pinapanigang partido. May itinakda po tayong lugar para sa mga campaign parafernalias. Meron din po tayong Brgy Ordinance para dito. Sana po ay marunong kayong rumespeto sa bawat Barangay na sumasakop sa iba't ibang lugar. Ni wala nga po kayong paalam na magkakabit kayo nito. At ano po yung sinasabi nyo pong private property? Ang pinaglagyan nyo po ng campaign ad na yan ay nakatali sa puno ng molave na pasok sa 2m road widening na government property. Pinipilit po nang aming Barangay na pagandahin ang ating bypass road. Tatakbo pa naman kayong lingkod bayan ngunit hindi nyo alam ang salitang RESPETO. Gusto nyo ng pagbabago pero hindi nyo masimulan sa sarili nyo. Kung pagbati nga ang hangad nyo bakit mas malaki pa ang inyong muka kesa sa pagbati na sinasabi nyo? Huwag nyo pong daanin sa personalan. Tingnan nyo po muna ang sarili nyo bago ang ibang tao. Kung makapagsalita po kayo parang kay tutuwid nyong tao. Ipinapakita nyo lang po kung anong klase kayong tao.
Kung ayaw nyo po maulit ang ganiyong pangyayari, sana po ay matuto kayong "MAKI-RAAN" bilang RESPETO, lagi pong bukas ang aming tanggapan para sa mga ganitong bagay. Salamat.
Maligayang PASKO!