Balagtas Water District

Balagtas Water District Water Utility

Isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa sa Tanggapan ng Punong Bayan ng mga Balagtas Water District Board  of Directo...
05/09/2026

Isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa sa Tanggapan ng Punong Bayan ng mga Balagtas Water District Board of Directors kasama sina Mayor Andrew Santiago, Vice Mayor Monay Payuran, at iba pang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Balagtas upang talakayin ang mga usapin kaugnay ng suplay ng tubig.

Layunin ng pagpupulong na makahanap ng mga konkretong solusyon upang matiyak ang sapat, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig para sa mga mamamayan ng Balagtas.

PUBLIC ADVISORY🛠️ Work Update: Transmission of main pipeline size 4, a total of  170 UPVC Pipes along Pulong Gubat (Aqui...
20/08/2026

PUBLIC ADVISORY

🛠️ Work Update: Transmission of main pipeline size 4, a total of 170 UPVC Pipes along Pulong Gubat (Aqui Gasoline Station to Manolo Galvez St.) is now 100% completed!

🚧 Next Steps: Our team is currently carrying out service tapping transfers, pipe relocations, and site restoration.

Thank you for your support as we improve our services!

— Balagtas Water District Management

PAMPUBLIKONG PATALASTASPara sa Kabatiran  ng Lahat:Nais naming linawin ang mga kumakalat na usap-usapan na intensyonal n...
17/08/2026

PAMPUBLIKONG PATALASTAS

Para sa Kabatiran ng Lahat:

Nais naming linawin ang mga kumakalat na usap-usapan na intensyonal na binabawasan ng aming tanggapan ang presyon ng tubig dahil sa pansamantalang pag-alis ng septage fee. Wala po itong katotohanan.

Bagamat nagkaroon ng mga sunod-sunod na pag-ulan, nananatili pa rin pong mababa kaysa sa normal na high level ang antas ng tubig sa Angat Dam. Ito po ang pangunahing dahilan ng mahinang presyon ng tubig sa mga lugar ng Borol 1st at Borol 2nd.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

BALAGTAS WATER DISTRICTWATER SERVICE ADVISORY​SUBJECT: Water Allocation and IP1 Valve Restoration Status​TO OUR VALUED C...
17/08/2026

BALAGTAS WATER DISTRICT
WATER SERVICE ADVISORY

SUBJECT: Water Allocation and IP1 Valve Restoration Status

TO OUR VALUED CONSUMERS:

Please be informed that the valve restoration works at IP1 have been successfully completed.
​However, despite the successful restoration, the water allocation remains regulated at 32 to 40 PSI
​Because the allocation remains below normal capacity, consumers across our service area may continue to experience reduced water pressure or temporary supply interruptions during peak demand hours.

We appreciate your understanding, patience, and cooperation as we manage the current water allocation limits.

https://www.philstar.com/headlines/2026/08/16/2549667/angat-dam-level-rises-water-allocation-unchanged

Maintenance crews are currently carrying out valve repairs at IP1.
15/08/2026

Maintenance crews are currently carrying out valve repairs at IP1.

15/08/2026

📢 PAUNAWA NG PANSAMANTALANG PAGKAWALA NG TUBIG 📢

APEKTADONG LUGAR: Mga konsesyonaryo ng Barangay Borol 1st, Wawa, at Borol 2nd

KELAN: Sabado, Agosto 15, 2026
ORAS: Mula 5:00 ng hapon hanggang sa matapos ang pag-repair

DAHILAN: Magsasagawa po ang ating grupo ng emergency repair sa valve ng IP1 na nagsu-supply ng tubig sa nasabing lugar, upang mas mapaganda at mapabuti ang serbisyo ng tubig.

PAALALA SA LAHAT:
• Pinapayuhan po ang lahat ng maapektuhang residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago sumapit ang oras ng maintenance.
• Maaaring makaranas ng bahagyang pagkadumi ng tubig sa mga unang minuto pagkatapos buksan muli. Hayaan lamang pong dumaloy ang tubig nang ilang minuto bago gamitin.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at kooperasyon!

14/08/2026

📢 PAUNAWA NG PAGPAPALIBAN NG PANSAMANTALANG PAGKAWALA NG TUBIG 📢

PARA SA MGA KONSESYONARYO NG:
• Barangay Borol 1st
• Barangay Wawa
• Barangay Borol 2nd

Ipinagbibigay-alam po sa lahat na IPAGPAPALIBAN MUNA ang nakatakdang emergency repair ng valve ngayong Biyernes, August 14.

DAHILAN: Ito ay dahil sa nararanasang pag-ulan at masamang panahon na maaaring makasagabal sa ligtas at maayos na pagsasagawa ng pagkukumpuni.

Dahil dito, HINDI NA PO MATUTULOY ang pansamantalang pagkawala ng tubig na una nang inanunsyo mula 10:00 ng gabi. Magpapatuloy po ang normal na supply ng tubig sa mga nabanggit na lugar.
Maglalabas na lamang po kami ng panibagong anunsyo para sa bagong iskedyul ng maintenance work.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at mag-iingat po ang lahat!

13/08/2026

📢 PAUNAWA NG PANSAMANTALANG PAGKAWALA NG TUBIG 📢

APEKTADONG LUGAR : Mga konsesyonaryo ng Barangay Borol 1st, Wawa, at Borol 2nd

KELAN: Sa darating na Biyernes, August 14 2026
ORAS: Mula 10:00 ng gabi hanggang sa matapos ang pagkukumpuni

DAHILAN: Magsasagawa po ang ating grupo ng emergency repair ng valve sa IP1 na nag susuplay ng tubig sa nasabing lugar, upang mas mapaganda at mapabuti ang serbisyo ng tubig.

PAALALA SA LAHAT:
• Pinapayuhan po ang lahat ng maapektuhang residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago sumapit ang oras ng maintenance.
• Maaari pong makaranas ng bahagyang pagkadumi ng tubig sa mga unang minuto pagkabukas nitong muli. Hayaan lamang pong dumaloy ang tubig nang ilang minuto bago gamitin.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at kooperasyon!

28/07/2026
https://www.facebook.com/share/p/14kQggToA9i/
27/07/2026

https://www.facebook.com/share/p/14kQggToA9i/

MALAPIT NA SA 149 METERS ANG ANGAT DAM. ANO ANG POSIBLENG MANGYARI KAPAG UMABOT NA 149 METERS ANG ANGAT DAM? ⚠️

Ang pinakamababang lebel na naitala sa Angat Dam sa kasaysayan ay noong July 2010 sa 157.56 meters. Hanggang ngayon.

Kaninang umaga, July 25, 2026, bumagsak na ito sa 150.60 meters na 7.04 meters na mas mababa kaysa sa dating all-time low. At ayon sa mga projection, posible pang magpatuloy ang pagbaba nito.

Kapag umabot sa 149 meters, magsisimula ang mga hakbang na hindi pa kailanman naipatutupad sa kasaysayan ng Angat Dam.

Narito ang mga maaaring mangyari kapag bumaba na sa 149 meters ang Angat Dam:

1️⃣ Gagamitin ang Low-Level Outlet sa unang pagkakataon sa kasaysayan.
Hindi na sapat ang normal na outlet ng dam kaya mapipilitan ang MWSS na gamitin ang emergency low-level outlet upang makapaglabas pa rin ng tubig. Hudyat ito na nasa kritikal nang antas ang reservoir.

2️⃣ Halos 30% ang mababawas sa suplay ng tubig.
Mula 46 cubic meters per second (cms), ibababa ito sa 32 cms. Mas kaunting tubig ang maipapadala sa Metro Manila at mga karatig-lugar, kaya posibleng hindi na sapat ang suplay para sa normal na pang-araw-araw na konsumo.

3️⃣ Mas mahaba at mas madalas ang water interruptions.
Dahil sa limitadong suplay, maaaring palawigin ang rotational water interruptions at mas maraming lugar ang makaranas ng mahinang pressure o pagkawala ng tubig, lalo na sa matataas na komunidad.

4️⃣ Posibleng maapektuhan ang suplay ng kuryente sa Luzon.
Ang Angat Dam ay tahanan ng Angat Hydroelectric Power Plant. Kapag bumaba pa ang tubig, maaaring hindi sapat ang lebel nito upang mapatakbo nang normal ang mga turbine, na maaaring magpababa sa power reserve ng Luzon Grid at magtaas ng posibilidad ng rotational brownouts.

5️⃣ Libu-libong ektarya ng sakahan ang maaaring mawalan ng irigasyon.
Kapag kinailangang unahin ang suplay ng inuming tubig, maaaring bawasan o ihinto ang tubig para sa irigasyon sa Bulacan at Pampanga. Maaapektuhan nito ang humigit-kumulang 25,000 hanggang 27,000 ektarya ng sakahan, na maaaring magresulta sa pagbaba ng ani.

6️⃣ Posibleng tumaas ang presyo ng pagkain.
Kapag lumiit ang ani dahil sa kakulangan ng tubig, maaaring maapektuhan ang suplay ng bigas at iba pang produktong agrikultural, na posibleng magdulot ng panibagong pagtaas ng presyo sa merkado.

7️⃣ Hindi pa ito ang pinakamasamang sitwasyon.
Ang 149 meters ay isa pa lamang na critical operating level. Kapag nagpatuloy pa ang pagbaba ng tubig sa mga susunod na linggo, mas mabibigat pang hakbang ang maaaring kailanganing ipatupad upang mapanatili ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

MAY HAKBANG BA NA GINAGAWA PARA PIGILAN ITO?
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang PAGASA sa National Water Resources Board (NWRB) para sa posibleng cloud seeding operations sa Angat watershed kapag naging pabor ang kondisyon ng panahon.

Samantala, patuloy ring gumagamit ng alternative water sources ang mga water concessionaire tulad ng Upper Wawa Dam at Laguna Lake upang mabawasan ang pagdepende sa Angat Dam. Patuloy rin ang panawagan sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig upang mapanatili ang sapat na suplay habang hinihintay ang pagdating ng mas maraming pag-ulan.

⚠️ Ang mas nakababahala, hindi pa rito nagtatapos ang banta.
Babala ng PAGASA, may posibilidad na lumakas pa ang El Niño at maging isang Super El Niño sa mga susunod na buwan. Kapag nangyari ito, maaaring lalo pang bumaba ang lebel ng Angat Dam dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed. Kung hindi sapat ang magiging pag-ulan bago matapos ang taon, mas malaki ang posibilidad na maranasan ang isang malawakang krisis sa tubig sa 2027, kasabay ng epekto nito sa suplay ng kuryente at produksyon ng pagkain.

Sa ngayon, nananatiling mahalaga ang bawat pag-ulan na pumapasok sa Angat watershed. Kung hindi sapat ang ulan sa mga susunod na buwan, maaaring mas lumala pa ang sitwasyon bago matapos ang taon.

PHILIPPINES WATCH |
Angat Dam Nears The 149 Meter Mark.

REFERENCES / SOURCES:
ABS-CBN News. (2026, July 23). Bulacan braces for possible water shortage as Angat Dam level continues to drop. https://www.abs-cbn.com/news/regions/2026/7/23/bulacan-braces-for-possible-water-shortage-as-angat-dam-level-continues-to-drop-2301
Estrope-Reyes, C. (2026, July 1). Farmers alarmed as angat dam falls below critical level. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2255660/farmers-alarmed-as-angat-dam-falls-below-critical-level
GMA News. (2026, June 29). Explainer: What happens when angat dam hits “critical” level? GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/weather/content/993051/explainer-what-happens-when-angat-dam-hits-critical-level/story/
Holly Bacay. (2026, July 23). Recent rains help irrigate farms despite low water at Angat. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2268543/recent-rains-help-irrigate-farms-despite-low-water-at-angat
Rojas, A. (2026, July 23). PAGASA warnsMetro Manila may face water crisis next year . ABS-CBN News. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/news/weather-traffic/2026/7/23/pagasa-warns-metro-manila-may-face-water-crisis-next-year-2043
San Miguel Corporation. (n.d.). SMC global power. In www.smcglobalpower.com.ph. Retrieved July 25, 2026, from https://www.smcglobalpower.com.ph/our-business-power-generation?slug=angat-hydroelectric-power-plant&p=4

Address

M. Galvez Street Wawa
Balagtas
3016

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63446931062

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balagtas Water District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share