Kobed Complex

Kobed Complex Community for Vaccinated Vulnerables, Indigents, and Disabled.

15/11/2021

Kilalanin ang nag-iisang pambato ng Kobed Complex sa ating bayan. Tulad niyo, gusto ko yung may 'K'


Balagtas Kobe Delos Reyes ❤💪

LUMA AT BAGONG HENERASYON BUKLOD-BISIG SA PAGSULONG - Patuloy po ang pagdalo ng Kobed Complex sa mga nakatatanda. Kanina...
31/10/2021

LUMA AT BAGONG HENERASYON BUKLOD-BISIG SA PAGSULONG - Patuloy po ang pagdalo ng Kobed Complex sa mga nakatatanda. Kanina ay nadagdagan na naman ang ating mga residente na nagmula naman sa Bagong Barrio, Barangay Wawa, Balagtas, Bulacan. Bukas po ang ating pintuan sa lahat. Ika nga ng ating community administrator na si Kobe Delos Reyes Balagtas, ang Kobed ay pamayanan nating lahat. Kita-kits po ulet next week para sa mga bago nating housemates....

Patuloy po ang ating pakikihalubilo sa mga mahal nating nakatatanda. Kita po uli tayo sa susunod na linggo. Salamat po a...
18/10/2021

Patuloy po ang ating pakikihalubilo sa mga mahal nating nakatatanda. Kita po uli tayo sa susunod na linggo. Salamat po at parating mag-iingat!

PAALALA: Sa mga hindi po kaya pumunta ng dahil sa kanilang karamdaman, ay maaari pong imessage ang aming page para kami na po ang pupunta sa kanilang kabahayan.

Pabatid:Ang Kobed Complex po ay nagtungo sa Balagtas Heights, Brgy. Santol para maghatid ng konting tulong. Amin pong na...
09/10/2021

Pabatid:

Ang Kobed Complex po ay nagtungo sa Balagtas Heights, Brgy. Santol para maghatid ng konting tulong. Amin pong nakausap ang ilang piling seniors ukol sa aming adbokasiya. Kami po ay nagagalak na mapag-alamang sila ay bakunado na at ang kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar ay bihira lamang dahil masunurin sila sa safety protocols. Tuloy-tuloy lang ang ating hakbang patungo sa pag-angat at kaginhawaan kasama ang ating pinakamamahal na mga taga Balagtas. Mag-ingat po parati!

Maraming Salamat po kay ate Jessica Bardeloza Morones sa kanyang tulong.

Tulad po ng aming nabanggit, ang Kobed Comlpex ay bumibisita rin sa ibang barangay para maghatid ng kaunting tulong. Mas...
08/10/2021

Tulad po ng aming nabanggit, ang Kobed Comlpex ay bumibisita rin sa ibang barangay para maghatid ng kaunting tulong. Masaya kaming nagpunta sa barangay San Juan kung saan nakahuntahan ang ilan sa kanila at ikwinento ang umano'y "Alamat ng Baha" na kasama nila araw-araw😀

Magandang araw mga ka-Balagtas! Binuksang muli ang ating bakuran upang makapag-abot ng bahagyang tulong sa mga vulnerabl...
03/10/2021

Magandang araw mga ka-Balagtas!

Binuksang muli ang ating bakuran upang makapag-abot ng bahagyang tulong sa mga vulnerable sectors.

Ang Kobed Complex ay nagsisilbi ring activity center para sa kanila.

Sa mga gustong pumunta ay maaari lamang na magmessage/magpalista sa aming page upang makapagpaschedule dahil sa pandemya at bilang pagsunod na rin sa safety protocols.

Bukas ang complex tuwing Linggo mula 8 am hanggang 10 am.

Maraming salamat at palaging mag-ingat!

PARA SA LAHAT NG TAGA BALAGTAS!Ang Kobed Complex ay tumutugon sa tawag ng lahat ng taga Balagtas. Hindi po ito ekslusibo...
01/10/2021

PARA SA LAHAT NG TAGA BALAGTAS!

Ang Kobed Complex ay tumutugon sa tawag ng lahat ng taga Balagtas. Hindi po ito ekslusibo lang para sa taga Barangay Panginay na kasalukuyang kinatitirikan ng ating komunidad. Kamakailan lamang, binisita ng ating Complex Founder na si Kobe Delos Reyes ang ilan sa mga nagngangailangan sa Barangay Borol Segundo kung saan 50 pamilya rin ang napagkalooban ng munting ayuda. Kung kayo po ay nasa ibang barangay gaya ng Borol 1st, Borol 2nd, Dalig, Longos, Pulong Gubat, San Juan, Santol at Wawa; ay huwag pong mag atubili na mag-iwan ng mensahe sa ating page. Bagamat ekslusibo tayo sa mga vulnerable sector, maaari po kaming umaksiyon base sa inyong kahilingan. Maraming salamat po at patuloy tayong mag-ingat.

Patuloy ang pagpapaligaya sa mga vulnerables. Salamat INQUIRER.net❤️
30/09/2021

Patuloy ang pagpapaligaya sa mga vulnerables. Salamat INQUIRER.net❤️

Instead of spending hard-earned savings to treat family and friends in his birthday, a young man in Barangay Panginay, Balagtas Bulacan opened their home to welcome vu...

Ang paglilingkod sa kapwa, ay tunay na kalugud-lugod sa Panginoong Diyos! Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan. Taglay nil...
30/09/2021

Ang paglilingkod sa kapwa, ay tunay na kalugud-lugod sa Panginoong Diyos! Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan. Taglay nila ang malakas na katawan, malayang kaisipan at dalisay na pagmamahal sa kapwa. Inaanyayahan ko ang mga gustong magboluntaryo na makibahagi sa adbokasiyang magsusulong sa kaginhawaan ng mga vulnerable sector (senior citizen, person with disability, solo parent, indigent, CAR at CICL).

Samahan niyo ako at maging caretaker ng Kobed Complex. BUKAS ANG ATING TAHANAN TUWING LINGGO (7:00 am onwards). Ang gawaing ito ay purong volunteerism. Ipakita natin ang ating malasakit sa mga higit na nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit o pabuya. Taas noo, ikarangal natin na ang Bayan ng Balagtas ay hindi lamang lugar ng matulain at makata; kundi, isang mapagkalingang komunidad na naghahari ang pagdadamayan, pagmamahalan at pagkakaisa. PM, comment or magtext na po sa ating mga numero.

Binabati ko po ang 40 lolo’t lola, 7 PWD, 2 solo parent at 1 Child at Risk (50 beneficiaries) sa unang pagbubukas ng ating pintuan kamakailan. Sana ay patuloy na lumawig ang ating pamilya. Mag-ingat po tayo lagi at magkitang muli sa mga susunod na Linggo.

PAALALA: Ugaliing magpalista bago bumisita. Ipractice ang safety protocols at tanging mga bakunado lamang ang maaari munang dumalo. SALAMAT PO!

Address

Barangay Panginay
Balagtas
3016

Opening Hours

7am - 10am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kobed Complex posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kobed Complex:

Share