Sambilog - Balik Bugsuk Movement

Sambilog - Balik Bugsuk Movement Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sambilog - Balik Bugsuk Movement, Sitio Marihangin, Barangay Bugsuk, Balabac.

Ang SAMBILOG: Balik Bugsuk Movement ay binuo upang bigyang-boses ang mga mamamayan ng Bugsuk, Palawan sa walang habas na pananakot at pagpapaalis sa kanilang lupain.

Ang halaga ng pag-aaral ay nasa pakikibahagi sa mga isyung panlipunan!Sa gitna ng puspusang pagsasanay sa loob ng uniber...
05/05/2026

Ang halaga ng pag-aaral ay nasa pakikibahagi sa mga isyung panlipunan!

Sa gitna ng puspusang pagsasanay sa loob ng unibersidad para sa kinabukasan, hindi dapat maisantabi ang saysay ng pakikialam sa danas ng iba't ibang sektor na bumubuo sa lipunan, lalo na't sunod-sunod ang pagkasa ng mga direktibang nais palabnawin ang gampanin ng edukasyon na humubog ng mga kritikal, nakikisangkot, at mapanuring mamamayan ng bansa. Mapagyayaman lamang ang pag-aaral ng teorya at pananaliksik kung maiuugnay ito sa pampublikong buhay at mailalapat para iangat ang kagalingang panlipunan pati integridad at dignidad ng tao.

Bunsod nito, hatid ng UP Para sa Bugsuk Network (UPARSUK) ang isang talakayan kasama mismo ang mga taga-Bugsuk mula sa Sambilog - Balik Bugsuk Movement. Sa natatanging oportunidad na ito, pag-uusapan ang mga partikular na hamon sa pamumuhay ng mga katutubo buhat ng panghihimasok ng mga mapanirang proyekto ng mga pribadong entidad. Dito, lilinawin din ang papel lalo na ng mga kabataan para manindigan laban sa karahasan, diskriminasyon, at paglabag sa karapatan ng katutubong populasyon.

Matuto nang sama-sama at itaguyod ang kolektibong interes ng mga mamamayan ng Bugsuk. Narito ang mga detalye ukol sa ganap:

๐Ÿ—“๏ธ May 8, 2026 (Biyernes)
โŒ› 12:30 PMโ€“3:30 PM
๐Ÿ“ CSSP Health & Wellness Center (3rd Floor, Pavilion 1, Palma Hall, UP Diliman)

Bukas ang programa para sa lahat ng miyembro ng pamantasan. Dumalo at magpadalo!

In partnership with:
UP Anthropology Society
UP Palaweรฑos
UP CSSP Student Council
UP Diliman University Student Council

Also brought to you by:
Ateneo Para sa Bugsuk (APARSUK)
Sambilog - Balik Bugsuk Movement




TINGNAN: Inilunsad ang photo exhibit na pinamagatang โ€œIsang Pagpapatulรณy, Isang Pagpapatรบloy"  nitong ika-8 hanggang ika...
19/04/2026

TINGNAN: Inilunsad ang photo exhibit na pinamagatang โ€œIsang Pagpapatulรณy, Isang Pagpapatรบloy" nitong ika-8 hanggang ika-18 ng Abril sa UP Fine Arts Gallery, tampok ang kuwento ng paglaban ng mga katutubong Molbog sa kanilang lupang ninuno.

Bahagi ang naturang exhibit ng matagal nang kampanya ng mga katutubo laban sa kaliwaโ€™t kanang pagtatangka ng mga korporasyon na kamkamin ang kanilang lupain, kabilang na ang Sitio Marihangin, at mga isla ng Bugsuk at Pandanan sa Palawan.

Inaasahan na magkakaroon pa ng dalawang iterasyon ang exhibit, ngunit hindi pa tiyak kung kailan ito isasagawa.

Kuha ni James Caponpon

19/04/2026

Where do you stand?

๐™Ž๐™ค๐™ก๐™ค๐™™ ๐™†๐™–๐™ฌ: ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™คฬ๐™ฎ, ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ชฬ๐™ก๐™ค๐™ฎ has officially opened its doors for all.

Inside this memory landscape of 1975 Bugsuk are images of lives and lands of the indigenous communities in the neighboring reaches of Buliluyan, Calasaguen, Malinsuno, Marihangin, Puring, Sebaring, and Tagnato, as they continue to persist and resist from then until now.

This exhibit shows and tells stories of the past reconstructed piece by piece in the exile of the present. From the presidency of Marcos Sr. to Marcos Jr., the indigenous struggle for lands and rights remains. Now as part of one Sambilog - Balik Bugsuk Movement, communities continue to stand their ground in the fight to reclaim their land and secure a future on their own terms.

Welcome to a lifetime of coming home to truth and justice. Now that you have arrived, continue. Solod kaw.

Exhibit Details:
๐Ÿ—“ Dates: April 8โ€“20, 2026
๐Ÿ“Venue: Gallery Two, Arts and Design West Hall, College of Fine Arts
๐Ÿ•˜ Schedule: Tuesday to Saturday, 9:00 AM to 4:00 PM

Please note that the gallery is closed on Sundays, Mondays, and holidays. Plan your visit accordingly.

Fair Finance Philippines (FFPh) is conducting a divestment campaign to oppose the ongoing commercial developments in Barangay Bugsuk, Balabac, Southern Palawan. FFPh supports the call of Sitio Marihangin residents for corporations and financial institutions to divest from harmful projects that contribute to human rights violations and displacement of indigenous communities from their ancestral lands.

This event is organized by IDEALS and Fair Finance Philippines in partnership with the UP Department of Anthropology, Sambilog - Balik Bugsuk Movement, Pakisama (Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka), Ateneo Para sa Bugsuk , Catholic Educational Association of the Philippines, and UST Simbahayan Community Development Office.

17/04/2026

ICYMI: Nangampanya sa College of Arts and Letters nitong Martes ang ilang katutubong Molbog mula Sitio Marihangin, kasama ang mga estudyante mula UP Para sa Bugsuk at UP Palaweรฑos, para palakasin ang panawagan na itigil ang panggigipit ng San Miguel Corporation at Jewelmer Corporation sa mga lupang ninuno.

Matapos na ihain ng mga Molbog at iba pang miyembro ng Sambilog Balik-Bugsuk Movement at Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka ang motion for reconsideration Martes sa Department of Agrarian Reform ay dumiretso sa CAL ang mga katutubo. Hindi ito ang unang pagkakataong bumisita ang mga katutubo sa DAR. Nagsagawa ng siyam na araw na hunger strike ang mga katutubo noong Nob. 2024 para iprotesta ang pagtanggal ng notice of coverage sa parehong taon.

Bagaman inaasahan ng mga katutubo na maibabasura ang motion sa DAR at maging sa Opisina ng Pangulo, iaakyat pa rin nila ang kaso sa Korte Suprema, ani Romillano Calo, pangulo ng Sambilog at isa ring katutubong Palaw'an.

Sa ngayon, ipagpapatuloy nila ang pangangampanya sa Metro Manila.

Mga kuha nina Alice Canta, Eunicito Barreno, Alex Lauricio, Yvo Gabriel, at Fonzo Soliveres

KAUGNAY: phkule.org/article/1572

TINGNAN: Nakilahok ang UPARSUK sa pagtayo ng booth para sa Tagpuan Merchantsโ€™ Bazaar, isang proyekto ng Anthropos Core G...
17/04/2026

TINGNAN: Nakilahok ang UPARSUK sa pagtayo ng booth para sa Tagpuan Merchantsโ€™ Bazaar, isang proyekto ng Anthropos Core Group na naghahangad itampok ang mga produkto at adhikain ng iba't ibang student organizations and advocacy groups. Ang mga itinayong booths ay na sa Dap-ayan sa loob ng Palma Hall, UP Diliman noong Abril 16-17.

TINGNAN | Kasalukuyang isinasagawa sa UP College of Fine Arts Gallery ang photo exhibit na "๐—ฆ๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฑ ๐—ž๐—ฎ๐˜„: ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ...
17/04/2026

TINGNAN | Kasalukuyang isinasagawa sa UP College of Fine Arts Gallery ang photo exhibit na "๐—ฆ๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฑ ๐—ž๐—ฎ๐˜„: ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผฬ๐˜†, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚ฬ๐—น๐—ผ๐˜†" na inorganisa ng Fair Finance Philippines kasama ang mga documentary photographer na sina Kathryn Almira, Noel Aquino, Nic Garon, at Soleil Phoebe Vinoya.

Tampok sa exhibit ang mga retratong kuha na nagdodokumento ng pamumuhay ng mga katutubong Molbog, Cagayanen, at Palawโ€™an sa pitong komunidad sa Katimugang Palawan na Tagnato, Puring, Buliluyan, Marihangin, Pandanan, Bugsuk, at Sebaring. Ipinapakita rin sa mga retrato ang pakikibaka ng mga katutubo laban sa pangangamkam ng mga korporasyon sa kanilang lupaing ninuno mula pa noong panahon ng Batas Militar hanggang sa kasalukuyan.

Bukas ang exhibit sa publiko hanggang Abril 20.

โœ๏ธ๐Ÿ“ท: Ulat ni Eunicito Barreno, S'bang Ka Mindanao Core Producer

Bumisita ang mga mag-aaral ng APARSUK kanina sa Solod Kaw exhibit! ๐Ÿ’— Ang exhibit ay isang malaking bagay sa patuloy na p...
17/04/2026

Bumisita ang mga mag-aaral ng APARSUK kanina sa Solod Kaw exhibit! ๐Ÿ’— Ang exhibit ay isang malaking bagay sa patuloy na pagpapalaganap ng kuwento at laban ng Bugsuk. โœŠ๏ธ

Ang pagkakapresenta ng kuwento ng Sambilogโ€“Balik Bugsuk Movement ay isang paalala ng tapang at pagkakaisa ng mga komunidad na patuloy na lumalaban para sa kanilang lupaing ninuno. ๐ŸŒฟ

Kung nais pa ninyong makilala nang mas malalim ang mga miyembro, ang kanilang tahanan, kabuhayan, at ang lupaing ninuno na ating ipinaglalaban, inaanyayahan namin kayong bumisita sa exhibit:

๐Ÿ•˜ Tuesday to Saturday | 9:00 AM โ€“ 4:00 PM
๐Ÿ“Œ Gallery Two, UP Fine Arts Gallery (Parola)

Hanggang April 20 na lamang po ang exhibit sa UP Fine Arts Gallery (PAROLA), kaya huwag nang palampasin! Isama ang inyong mga kaibigan at kapamilya. Kita-kits! โœŠ๐Ÿฝ




๐ŸŒฟPaanyaya pa sa Exhibit ๐ŸŒฟInaanyayahan ng Ateneo Para sa Bugsuk ang lahat na dumalo sa mga natitirang araw ng "Solod Kaw:...
15/04/2026

๐ŸŒฟPaanyaya pa sa Exhibit ๐ŸŒฟ

Inaanyayahan ng Ateneo Para sa Bugsuk ang lahat na dumalo sa mga natitirang araw ng "Solod Kaw: Isang Pagpapatulรณy, Isang Pagpapatรบloy," isang photo exhibit sa UP Fine Arts Gallery.

Exhibit Details:
๐Ÿ—“ Dates: April 8โ€“20, 2026
๐Ÿ“Venue: Gallery Two, Arts and Design West Hall, College of Fine Arts
๐Ÿ•˜ Schedule: Tuesday to Saturday, 9:00 AM to 4:00 PM

Ipinapakita ng exhibit ang kuwento ng paglaban ng mga komunidad ng Marihangin, Sebaring, Bugsuk, Pandanan, Tagnato, Puring, at Buliluyan para sa kanilang lupaing ninuno!

Maraming salamat po sa Fair Finance Philippines sa inyong pag-imbita sa APARSUK na maging bahagi ng proyektong ito. ๐Ÿ™

Dumalo po tayo at magpadalo!


Through human barricades and mass campaigns, jailed indigenous rights defender Oscar Pelayo Sr., 65, armed the Molbog co...
15/04/2026

Through human barricades and mass campaigns, jailed indigenous rights defender Oscar Pelayo Sr., 65, armed the Molbog community with nonviolent methods of struggle. The same was not offered to him when he was beaten up in 2006, and when he was deceived and arrested May 2025.

Oscar, more fondly known as Ondo, was a pillar of the Molbog community. He organized several forms of action against the encroachment of San Miguel Corporation, Bricktree Properties, and Jewelmer Corporation. These corporations have long targeted Sitio Marihangin for their eco-tourism projects and pearl farming grounds.

Because he fought these intrusive attempts, Ondo became a target of repression, later leading to his incarceration. Ondo is still in the Iwahig Penal Farm and Prison for trumped-up cyanide fishing charges since May 2025. One of his children, Ann, told the Collegian that Ondo breaks down when she visits him every month. Yet most of what they talk about still revolves around the island and its communitiesโ€™ campaigns.

โ€œIkamusta mo na rin ako sa lahat ng taga-isla, โ€ฆ mahal na mahal ko kayong lahat,โ€ a written correspondence from June 2025 between Ondo and Ann reads.

READ: https://phkule.substack.com/p/behind-bars-oscar-pelayo-watches

Tuloy-tuloy ang pagkalap ng tulong para sa nalalapit na Grand Educational Discussion sa buwan ng Mayo! Bilang paghahanda...
10/04/2026

Tuloy-tuloy ang pagkalap ng tulong para sa nalalapit na Grand Educational Discussion sa buwan ng Mayo!

Bilang paghahanda, handog ng UPARSUK ang ilang produkto para makalikom ng pondo para sa operasyon ng gagawing talakayan. Halina't bumili at tikman ang aming Ube Halaya at Chocolate Chip Cookies! โœจ๐ŸŽ‰

Para sa mga nais mag-order, mangyari lamang na i-scan ang QR Code sa kalakip na imahe o sagutan ang link: tinyurl.com/UPARSUKPre-Orders. Maaari ring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pag-chat sa aming page.

tinyurl.com/UPARSUKPre-Orders
tinyurl.com/UPARSUKPre-Orders
tinyurl.com/UPARSUKPre-Orders

Address

Sitio Marihangin, Barangay Bugsuk
Balabac
5307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sambilog - Balik Bugsuk Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share