League of Filipino Students - UP Baguio

League of Filipino Students - UP Baguio League of Filipino Students is the largest organization of students fighting imperialism in the country. https://bit.ly/JoinLFSMetroBaguio

The largest anti-imperialist youth organization in the Philippines. Fighting Imperialism since 1977. Mag-aral, Maglingkod, Mangahas na Makibaka!

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐“๐€๐, ๐๐€๐‡๐ˆ๐‘๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐!Sa mahabang kasaysayan ng Estados Unidos sa ating bansa, patuloy lamang na tumitindi ang...
30/04/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐“๐€๐, ๐๐€๐‡๐ˆ๐‘๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐!

Sa mahabang kasaysayan ng Estados Unidos sa ating bansa, patuloy lamang na tumitindi ang banta ng agresyon sa ating lipunan. Malinaw na walang magandang dulot sa mamamayan ang sanhi ng banta sa ating kaligtasan at pambansang soberanya.

Basahin ang maikling briefer ng League of Filipino Students UP Baguio tungkol sa Balikatan at anong sakop nito sa Hilagang Luzon.




๐‘ฒ๐‘จ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ป๐‘จ๐‘จ๐‘ต, ๐‘ป๐‘ผ๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฎ๐’€๐‘ฌ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ฎ๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐’€๐‘ถ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ผ๐‘บ!Sa kasalukuyang yugto ng mundo, ang imperyalismo ay nasa bingit ng patuloy ...
29/04/2026

๐‘ฒ๐‘จ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ป๐‘จ๐‘จ๐‘ต, ๐‘ป๐‘ผ๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฎ๐’€๐‘ฌ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ฎ๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐’€๐‘ถ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ผ๐‘บ!

Sa kasalukuyang yugto ng mundo, ang imperyalismo ay nasa bingit ng patuloy na pagbagsak nito. Dulot nito ang patuloy na paggamit ng Imperyalistang US sa mga huwad na digma gaya ng pakikipagsabwatan nito sa Zionistang Israel sa pagtatangka na isalba ang kaniyang sarili. Ang malubhang ganid at walang tigil na pambobomba ng Imperyalistang US, kasama ang Zionistang Israel, ay nagdadala ng walang iba kundi krisis na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis at nagpapahirap sa mamamayan.

Noong Pebrero 28, 2026, pinaulanan ng US-Israel ng mga bomba ang Iran sa katwiran na pagkakaroon daw nito ng mga โ€œweapons of mass-destructionโ€. Kinakatawan ng atakeng ito ang pinakamalalang paglubha ng gera sa Kanlurang Asya. Ito ay isa lamang sa maraming kalkuladong galaw ng Imperyalistang US upang siguraduhin ang โ€œeconomic supremacyโ€ ng US, kontrolin ang industriya ng langis sa Kanlurang Asya, at ipagpatuloy ang kanilang hawak sa mga atrasadong bayan.

Dulot ng lumalalang agresyon at pagbabanta sa ibaโ€™t ibang panig sa daigdig partikular na sa West Asia, lalong nilalagay sa kapahamakan at kahirapan ang sangkatauhan. Nagdulot ito ng pag-antala ng suplay ng langis sa merkado na nagdulot naman ng malakihang pagtaas ng presyo ng petrolyo na higit pang nagpahirap sa kalagayan ng mga mamamayan sa maraming bansa. Sa paglala ng digmaan, lalong sumisirit ang presyo ng langis at iba pang batayang pangangailangan ng masa. Ang masang anakpawis ay patuloy na humaharap sa gutom, kahirapan, at kawalan ng seguridad sa kabuhayan, habang ang mga naghaharing uri ay patuloy na nagpapakasasa sa tubo at kapangyarihan.

Bukod pa dito, direkta rin na pinapahamak ng dayuhang US ang ating bayan dulot ng mga base-militar sa ating lupain, gawa ng pagsasatupad ng VFA-EDCA at Mutual Defense Treaty. Sa ilalim naman ng administrasyon ni Marcos Jr., lalong binuksan ang ating bansa para sa mga gawaing militar ng US. Kabilang dito ang pagtatatag ng 4 na bagong EDCA sites, Balikatan Exercises sa pagitan ng berdugong AFP at US military, mga weapons systems ng US sa Pilipinas, at US military task forces na nagpapalakad sa militar ng Pilipinas. Ang layunin ng Imperyalistang US sa mga kasunduan na ito ay gawing dako ang Pillipinas para sa mga giyerang agresyon nito tungo sa mga karatig bayan sa Asya, at sa mas malubha ay maging pook-digmaan mismo ang ating lupain. Ang mga base militar at pasilidad pandigma ng US na nasa lupain ng Pilipinas ay maaaring maging puntirya ng Iran, isang direktang panganib sa mga komunidad na malapit dito at sa mamamayang Pilipino.

Sa gitna ng lumalawak na kapangyarihan ng US sa Pilipinas at sa buong mundo, hindi na maaaring palampasin ang ganitong paglabag sa soberanya ng mga bansa at sa karapatan ng mamamayan. Nagsisilbi itong hamon sa ating mga kabataan na ma-organisa at mag-organisa bilang malawakang hanay ng sambayanan na naninindigan laban sa imperyalistang digmaan at pananakop. Isa rin itong tawag sa atin na makiisa sa pakikibaka ng bawat batayang sektor na lumalaban sa ganid at mapagsamantalang Imperyalistang US. Sumama sa mga pagkilos at pabagsakin ang Imperyalistang-US kasama na ang teroristang Israel na walang habas na pumapatay sa libo-libo at nagpapahirap sa masa.

Wakasan ang giyera ng U.S sa buong daigdig! Imperyalismo, Ibagsak!

SUMAMA SA MAYO UNO!

๐Ÿ“… MAY 1, 2026
โฐ 8:00 AM
๐Ÿ“ BAGUIO CONVENTION CENTER




๐‘ฐ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ณ ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘บ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฌ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ซ๐‘ถ!Noong 2023, sapilitang iwinala ng pasistang estado ang dalawang aktibista na sina manon...
28/04/2026

๐‘ฐ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ณ ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘บ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฌ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ซ๐‘ถ!

Noong 2023, sapilitang iwinala ng pasistang estado ang dalawang aktibista na sina manong Dexter Capuyan at kuya Bazoo De Jesus sa Rizal. Sina manong Dexter at kuya Bazoo ay mga alumni ng UP Baguio na mangahas na nakikibaka para sa karapatan ng mga katutubo sa Kordilyera. Tatlong taon na ang lumipas at hindi pa rin tumitigil ang pamamasista ng estado sa mga aktibista na patuloy nilalabanan ang nabubulok na sistema nito. Sa kabila ng pagpapanawagan ng malawak na hanay ng masa, ang tugon ng estado ay patuloy na pagpapatahimik ng mga aktibistang nagsusulong sa karapatang pantao. Kasabay nito ay tuloy-tuloy pa ring ginagamit ang kaban ng bayan upang pondohan ang mapanupil na operasyon ng NTF-ELCAC, AFP, at PNP.

Isa pang manipestasyon ng kabulukan ng estado ay ang Cordillera 8, kung saan noong Marso 11 lang ay ilegal na inaresto ang walong indibidwal na sina Doctor Ana Marie Rilloraza Leung, Marc Mendiola, Kennedy Bangibang, Ranee Francella Tuazon, Renato Gines, Javar Sugao, Theresa Forag, at Bobby Calsiyao ng mga armadong AFP at PNP sa Tarlac City at Quezon City. Ilegal silang inaresto nang walang warrant of arrest o kaya gamit ang mga gawa-gawang kaso na bumabalewala sa kanilang mga karapatang pantao.

Sa kabila ng panggigiit ng estado ay hindi nayayanig ang masa at nagpapatuloy ang panawagan na ibasura ang NTF-ELCAC at mga operasyong mapanupil mula sa estado. Kagyat nito ay ang patuloy na pagsusulong sa panawagan na ilitaw sina manong Dexter at kuya Bazoo, kasama ang iba pang mga desaparecidos, at palayain ang lahat ng political prisoners ng pasistang estado.



28/04/2026

๐‘ฏ๐‘ผ๐‘บ๐‘ป๐‘ฐ๐‘บ๐’€๐‘จ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ท๐‘พ๐‘จ ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฉ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ ๐‘จ๐‘ป ๐‘จ๐‘ต๐‘ป๐‘ฐ-๐‘ฐ๐‘ด๐‘ท๐‘ฌ๐‘น๐’€๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ!

Hindi mananahimik ang kabataan, at lalong hindi ito magpapapigil sa pandarahas at pananakot ng pasista at berdugong estado. Hindi mamumunga ang takot na dala nila sa ating mga lupa. Itatanim namin ang binhi ng tapang na siyang susustento sa aming pagkilos!

Para kina Alyssa, RJ, Errol, at Maureen, at sa lahat ng biktima ng Toboso 19, hindi kayang sukatin ng anumang paratang ng kalaban ang inyong halaga. Ngunit ang inyong paglisan ay hindi mauuwi sa p**t na walang saysay, sapagkat ang inyong pagkalinga sa masa ang nagpatibay sa aming paninindigan na lumaban.

Mahapdi man sa mata ang inyong paglisan, ngunit alam naming darating ang araw na muli naming matatanaw ang inyong mga ngiti, hindi lamang sa alaala kundi sa buhay na diwa ng bawat mamamayang patuloy ninyong pinagsilbihan at ipinaglaban.

Hindi kayo mawawala. Hindi namin kayo bibitawan.
Sa bawat hakbang ng laban, kasama namin kayo.

Pagpupugay sa inyo.

HUSTISYA PARA SA TOBOSO MASAKER!





๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐—•๐—”๐—š๐—จ๐—œ๐—ข, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐— ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—จ๐—ก๐—ข!MAGSUOT NG P**A ๐Ÿ”ป8 AM, Baguio Convention CenterSa patuloy na pagsirit ng pr...
28/04/2026

๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐—•๐—”๐—š๐—จ๐—œ๐—ข, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐— ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—จ๐—ก๐—ข!

MAGSUOT NG P**A ๐Ÿ”ป
8 AM, Baguio Convention Center

Sa patuloy na pagsirit ng presyo ng langis sa gitna ng tumitinding tensyon dulot ng imperyalismong US-Israel sa Iran, patuloy din na pinapasan ng mamamayang Pilipino ang bigat ng krisis sa araw-araw, kabilang na rito ang mga kabataang-estudyante. Habang sa kabilang banda, nananatiling kuntento ang rehimeng Marcos Jr. sa mga panandaliang solusyon. Nananatiling pabigat sa bulsa ng bawat pamilyang Pilipino ang mga regresibong buwis gaya ng VAT at Excise Tax, habang nagpapakasasa sa tubo ang mga pribadong korporasyon bunsod ng deregulation sa industriya ng langis. Pinalala pa na hanggang sa kasalukuyan ay talamak pa rin ang korapsyon, habang patuloy pa rin ang kawalan ng tunay na pananagutan sa ilalim ng nabubulok na sistema ng estado. Sa ganitong kalagayan, nananatiling pinakamabigat ang pasan ng masang anakpawis.

Malinaw na ang krisis na ito ay kaugnay lamang ng patuloy na lumalalim na mga suliranin ng bayan. Dama ang krisis sa transportasyon kung saan maraming tsuper ang napilitang tumigil sa pasada. Patuloy ding tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, habang tuloy na nalulugi ang mga magsasaka ng gulay. Samantala, hindi pa rin nakakabuhay ang sahod ng mga manggagawa.

Sa harap ng magkakaugnay at lumalala na mga suliranin, nananatiling malinaw ang hamon sa atin. Makiisa sa malawak na hanay ng mga batayang sektor at sama-samang itaguyod ang mga panawagan ng masang Pilipino. Sa darating na Pandaigdigang Araw ng Paggawa, tumindig kasama ang masang anakpawis!

MANGAHAS NA MAKIBAKA!



26/04/2026

๐‘ฐ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ณ ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฎ๐’€๐‘ฌ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ฎ๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐’€๐‘ถ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฐ๐‘ด๐‘ท๐‘ฌ๐‘น๐’€๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ผ๐‘บ! ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ป๐‘จ๐‘จ๐‘ต, ๐‘บ๐‘ผ๐‘ด๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ฉ ๐‘บ๐‘จ ๐‘จ๐‘ต๐‘ป๐‘ฐ-๐‘ฐ๐‘ด๐‘ท๐‘ฌ๐‘น๐’€๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฒ๐‘จ!

Habang nagpapaulan ng henosidyo ang imperyalistang US sa mga maliliit na bansang nais nitong pagsamantalahan, kumakapit ang rehimeng Marcos Jr. sa US sa kabila ng pang-aapi nito sa bansang Pilipinas.

Sa gitna ng matinding krisis ng nagtataasang presyo ng langis, nagtataasang presyo ng mga bilihin, ang tanging prayoridad ni Marcos Jr. ay ang patuloy ng Balikatan Exercises. Habang pinapasa ang bigat ng krisis na ito sa mga manggagawa, mangingisda, magsasaka, pati na rin sa kabataan, ang tugon ng estado ay bala at bombang umaalingawngaw sa gitna ng pagtahimik nito.

Hamon sa ating mga kabataang estudyante na tugunan ang hamon na panahon. Makiisa anti-imperyalistang pakikibaka, makipamuhay at makiisa sa laban ng malawak na hanay ng sambayanan. Ito lamang ang makatarunang landas ng pag-alala sa mga kabataang minartir ng pasistang estado!



ICYMI | NAKIISA ANG LIGA SA PAGDIRIWANG NG 42ND PEOPLESโ€™ CORDILLERA DAY: ASSERT LAND, LIFE, & LIVELIHOOD SA BAGUIO PUBLI...
26/04/2026

ICYMI | NAKIISA ANG LIGA SA PAGDIRIWANG NG 42ND PEOPLESโ€™ CORDILLERA DAY: ASSERT LAND, LIFE, & LIVELIHOOD SA BAGUIO PUBLIC MARKET!

Sa pagdiriwang ng ika-42 taon ng Peoplesโ€™ Cordillera Day, hinahamon tayo na kabi-kabilang krisis panlipunan na sumasadlak sa mamamayan. Ating inaalala ang kabayanihan ni Macli-ing Dulag na pinangunahan ang laban sa pagtutol sa mga dambuhalang hydropower dam sa Chico River. Ngunit kahit higit apat na dekada mula nang mangyari ito, makikita natin nananatili pa rin ang problema sa pagkamkam ng lupa, banta sa buhay, at maging sa kabuhayan.

Kung kayaโ€™t kasama ang hanay ng mga kabataang-estudyante, ipinakita natin ang pakikiisa sa araw na ito sa pamamagitan ng pag-walkout sa mga klase at pagtungo sa Baguio Public Market upang muling ipanawagan ang mga isyung kinakaharap ng maliit na manininda, tsuper, at maralitang lungsod na siyang higit na apektado sa kasalukuyang krisis.

Dahil sa imperyalistang gyerang agresyon ng Estados Unidos sa ibaโ€™t ibang bahagi ng mundo at lalo na sa Kanlurang Asya, ipinapakita nito ang limitasyon at bulnerabilidad ng insdustriya sa enerhiya ng nakakaapekto sa buhay ng mamamayang Pilipino. Bagaman, kagyat na nakikita ang pangangailangan ng renewable energy, hindi ito makakamit kung mananatiling tubo ang prayoridad ng estado at mga korporasyong ganid. Dito na lamang sa Cordillera, daan-daan ang aplikasyon ng development aggression projects tulad ng mining, hydropower dam, geothermal, at iba pa na naglalagay ng banta sa lupa, buhay, at kabuhayan ng mga katutubo.

Habang hindi kinikilala ang karapatan ng mga katutubo para sa kanilang lupang ninuno at sariling pagpapasya, ang layunin ang estado para sa development mananatiling huwad at nagsisilbi sa imperyalismong interes ng mga dayuhan. Sa gitna ng militanteng tradisyon na ito, hamon sa bawat kabataang-estudyante na sumapi sa anti-imperyalistang pakikibaka laban sa imperyalistang gyerang agresyon at pandarambong.

DAGA, BIAG, KINABAKNANG! SALAKNIBAN! โœŠ๐Ÿป


๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—™ ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—”๐—š๐—”๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ง ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ข๐—œ๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—›๐—œ๐—ž๐—˜ ๐—”๐—ก๐—— ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—˜๐—–๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—– ๐—–๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ! โœŠKUNG HINDI KA PA GALIT, BAKI...
24/04/2026

๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—™ ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—”๐—š๐—”๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ง ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ข๐—œ๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—›๐—œ๐—ž๐—˜ ๐—”๐—ก๐—— ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—˜๐—–๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—– ๐—–๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ! โœŠ

KUNG HINDI KA PA GALIT, BAKIT?

We, the undersigned student institutions, youth formations, and individuals of the University of the Philippines Baguio, firmly call for safeguarding the UPB community amidst the worsening oil price hikes and economic crisis.

We stand in solidarity with the drivers, workers, and students who bear the brunt of imperialist wars of aggression and a deregulated tax system that prioritizes profit over lives.

โœŠ Defend student welfare
โœŠ Junk the Oil Deregulation Law
โœŠ Remove VAT and excise tax on oil

HEED OUR COLLECTIVE DEMANDS!




UP Baguio University Student Council
UP Baguio Outcrop
ACS UPB
UP Kalipunan ng Mag-aaral sa Kasaysayan
League of Filipino Students - UP Baguio
Tanghalang Bayan ng Kabataan sa Baguio
AKMA UP
UP Artistsโ€™ Circle - Baguio Chapter
KEEP UP
UP LAKAN Baguio
UPB Sociology Guild
UP Baguio Mountaineers
Bahaghari - UP Baguio Chapter
UPB OBRA
Anakbayan UP Baguio
Innabuyog Gabriela Youth UP Baguio
UP Math-Physics Society
CADUA UPB
State Varsity Christian Fellowship Baguio
PAGTA Official
Alpha Phi Omega - Gamma Pi Chapter
UP Sigma Beta Sorority - Baguio Chapter
UP BUSOG
UP Baguio Cheer Squad
UPB Philosophy Circle
Agham Youth - UP Baguio
Literati
Anime_HQ
Politically Inclined Students of UP Baguio
UPB Tinig Amianan
UP ISIP - Integrated Students in Psychology
SJ-AS Baguio Chapter
UP Baguio Triskelions

๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—ง ๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก! ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐— ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ž๐—ข๐—จ๐—ง! ๐Ÿ“… April 24, 2026 โฐ 11:0...
23/04/2026

๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—ง ๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก! ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐— ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ž๐—ข๐—จ๐—ง!

๐Ÿ“… April 24, 2026
โฐ 11:00 AM
๐Ÿ“ UPB CAFETERIA

Sa kasalukuyang krisis dulot ng imperyalistang gyerang agresyon ng US at Israel sa Iran, ang pangkaraniwang mamamayang Pilipino mula sa ibaโ€™t ibang sektor at saray ng lipunan ang pumapasan ng krisis na hindi naman natin nilikha. Habang pare-pareho tayong apektado ng hindi makatarungang pagsirit ng presyo ng langis, bilihin, at mga batayang serbisyo, tanging prayoridad ng ating gobyerno ang tubo ng mga ganid na korporasyon.

Nanatiling inutil ang tugon ng gobyerno mula sa 4-day work week hanggang sa ayuda, halip na tanggalin ang VAT at Excise Tax na mas lalong nagpapahirap sa mamamayan. Higit sa lahat, ang pananatili ng Oil Deregulation Law ang dahilan kung bakit walang kakayahan ang gobyerno na protektahan ang masang anakpawis.

Habang ginagawang โ€œnormalโ€ ang krisis na ito, kailangang tumindig ng mga kabataang-estudyante kasama ang batayang sektor upang ipakita ang ating nagkakaisang lakas. Mula sa mga jeep na nagdadala sa atin patungo sa silid-aralan, dalhin natin ang pakikibaka tungong lansangan!

UPB, WOKAWT NA!





๐€๐ง๐ญ๐ข-๐ข๐ฆ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฒ๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐š, ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐’๐š๐ฆ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง!Nakikiisa ang LFS UP Baguio sa pakikiramay sa mga naiwang pamilya at kasama nina...
22/04/2026

๐€๐ง๐ญ๐ข-๐ข๐ฆ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฒ๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐š, ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐’๐š๐ฆ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง!

Nakikiisa ang LFS UP Baguio sa pakikiramay sa mga naiwang pamilya at kasama nina Alyssa Alano at RJ Ledesma. Sila ay kabilang sa mga walang habas na pinatay ng berdugong militar ng 79th Infantry Batallion sa Toboso, Negros Occidental.

Hindi matatawaran ang paninindigan ng dalawa na nagsimula sa loob ng Liga. Mula sa pagiging Tagapangulo ng LFS UP Diliman ni Alyssa, at Tagapangulo ng LFS Bacolod ni RJ noong 2020, bitbit nila ang prinsipyo ng liga hanggang sa mismong mga sakahan ng Negros.

Pinili ni Alyssa na makipamuhay sa mga magsasaka ng Toboso upang mag-organisa at makiisa sa laban nila kontra sa matinding landgrabbing at militarisasyon sa ilalim ng Memorandum Order 32 na inilagay ang Negros sa "State of Lawless Violence" mula pa noong 2018. Samantala si RJ, bilang isang manunulat at community journalist, ay naroon upang idokumento ang nagpapatuloy na karahasan sa lugar.

Kinokondena ng LFS UP Baguio ang tuloy-tuloy na pagbabandila ng berdugong AFP sa mga estudyanteng tumutungo sa kanayunan upang ipagtanggol ang karapatan ng mga magsasaka. Dahil sa mga ganitong naratibo ng estado, patuloy na inilalayo ng estado sa mamamayang tumungo sa kanayunan upang paglingkuran ang masang anakpawis. Ginagamit itong taktika upang supilin ang pakikibaka at boses ng mamamayan, lalo na sa gitna ng mga disimpormasyon at red-tagging ng NTF-ELCAC.

Malinaw kung sino ang tunay na terorista: ang AFP at ang 79th IB na siyang nagpalayas ng mahigit 600 katao sa lugar dahil sa militarisasyonโ€”hindi ang tulad nila Alyssa at RJ.

Nakikiisa ang LFS UP Baguio sa pagpapanawagan ng hustisya para kina Alyssa at Rj. Alalahanin natin ang buhay at pakikibaka nina RJ at Alyssa sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa kanilang sinimulan at pagpapalakas ng labang anti-imperyalista!

Hustisya para kay Alyssa Alano! Hustisya para kay RJ Ledesma!


Address

Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when League of Filipino Students - UP Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share