25/08/2026
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Noong magsara ang food and beverage franchise nina Sherwin at Treza Seva, hindi lang tindahan nila ang nawala. Kasama na rin ang pag-asa na makapagsimulang muli dahil sa libu-libong naipong tax liabilities.
Hanggang narinig nila ang one-time tax abatement program ng BIR.
Sa ilalim ng programang ito, ang mga microtaxpayers o ang mga may taunang kita na hindi hihigit sa P3 million ay maaaring i-settle ang kanilang mga lumobong tax liabilities sa halagang P5,000.00 kada taon.
Para sa mag-asawang Seva, ang kanilang pag-avail ng programang ito ay nagbigay pag-asa sa kanila na makapagsimulang muli sa negosyo.
Tulad ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA, ang one time tax abatement program ay ginawa ng BIR upang bigyan ng pagkakataon ang mga microentrepreneurs na muling bumangon mula sa kahirapan ng nakaraang mga taon.
Kung ikaw ay isang microtaxpayer na may pending liabilities o open cases, makipag-ugnayan sa inyong BIR Revenue District Office.