04/09/2026
๐๐จ๐ก๐จ๐จ๐จ, ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐! ๐๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ค๐จ ๐๐ข๐ญ๐จ ๐จ๐ก~
Sa kahabaan ng sunod-sunod na aberya, pagbaha, matinding pag-ulan, at malakas na hangin na dala ng Bagyong Pilandok at ng Habagat. Nakagagalit na ang pangunahing tugon pa ng lokal na administrasyon ay ang hindi malinaw at pabago-bagong suspensyong inaanunsyo tuwing alas-kwatro ng umaga o โdi kaya pagpatak ng ala-una ng hapon kung kailan nasa kalagitnaan na ang karamihan ng kanilang mga klase.
Dagdag pa sa nararanasang sakuna ang walang kahabagan ng mga nanunungkulan sa mga kolehiyong mag-aaral. Pilit na iginigiit ang huwad na katatagan at nasa hustong gulang na kuno ang mga kabataan na tila dapat masanay sa ganitong kalagayan.
๐๐น๐ถ๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐ฟ๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ผ!
Hindi lahat may pribadong sasakyan. Hindi lahat ay may pamasahe pang-jeep o pang-taxi. Hindi lahat ay may malakas na koneksyon sa internet. Hindi lahat ay may kakayahang suungin ang hagupit ng mga kalamidad na ito.
Ngunit, katulad ng lahat, gusto rin naming makapag-aral ng payapa at ligtas. Gusto rin naming bumalik na sa pamantasan. Maraming naantalang proyekto, gawain, at okasyon na sapilitang nalipat ang mga naka-takdang petsa.
Kaya ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐น๐ฎ๐ฑ๐ผ, pare-pareho tayong apektado.
Sa mga kinauukulan: ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป?
Ilang estudyante pa ang kailangang maipit sa biyahe bago kilalanin ang tunay na kalagayan sa lansangan? Ilang bagyo pa ang dapat dumaan sa Norte upang bigyang pansin ang aming kapakanan? Ilang oras pa ang kailangang masayang bago magkaroon ng maagap na desisyon? At sino ba ang tunay na pinagsisilbihan? Kung mas mabilis pa ang pag suspinde sa paggamit ng mga pook-pasyalan kaysa sa mga paaralan.
Kaisa ang Campus Alliance for Dedicated and Unified Action (CADUA UPB), mariin nating ipatatambol ang pagpapatupad nang mas maayos na mekanismo sa mga suspensyon ng mga klase at iba pang hakbang na sisiguraduhin ang kaligtasan ng bawat isa. Isusulong din natin ang aktibong pagsasangguni ng lokal na pamahalaan at gayundin ng mga pamantasan sa danas ng kanyang pinaglilingkuran, hindi dapat ito namimili ng pakikinggan.
Higit sa lahat, patuloy nating kinukundena ang kapalpakan ng rehimeng Marcos-Duterte sa pagbibigay ng dagdag na pondo para sa DPWH, na ngayon ay may P643.95 bilyong badyet sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program. ๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ช๐ช๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ค๐ฅ๐ค๐ฃ๐๐ค๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐จ๐ฉ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐๐๐๐ฃ, ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ช๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ๐๐จ๐ฉ๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ค๐ฅ๐๐จ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ก๐๐๐จ ๐๐ฉ๐ค ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐จ๐๐ง๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง๐๐จ. Hanggang kailan kaya malulunod at mabababad ang bayan sa ilalim ng mga kamay ng naghaharing-uri mapagkunwaring nagbibigay serbisyo sa masa.