13/03/2026
‼️ANUNSYO SA PUBLIKO‼️
Mula ngayong araw, ipapatupad po sa lahat ng tanggapan ng NHA ang 4-day work week alinsunod sa Executive Order No. 114.
Dahil dito, magiging sarado po ang aming mga tanggapan sa face-to-face na mga transaksyon tuwing Biyernes (Friday). Gayunpaman, maaari pading makipag-ugnayan sa aming opisina sa mga araw na ito sa pamamagitan ng pagsu-sulatroniko sa [email protected].
Mananatili naman ang regular na skedyul ng opisina sa araw ng Lunes (8AM-5PM) at extended na oras naman tuwing Martes hanggang Huwebes (8AM-6PM).
Nawa’y magsilbi po itong gabay sa lahat.
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
Alinsunod sa Executive Order No. 114 s. 2026, ang lahat ng tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa buong bansa ay magpapatupad ng Flexible Work Arrangements (FWA) simula ngayong araw, Marso 13, 2026.
Hinihikayat namin aming mga kliyente na planuhin ang kanilang pagbisita at mga transaksyon sa mg araw na bukas ang aming tanggapan.
Nagpapasalamat kami sa inyong pag-unawa at kooperasyon.