03/04/2026
Pagtatapos ng Panuruang Taon 2025–2026: Pasasalamat sa Panginoon
Idinaos ang makabuluhang pasasalamat sa Panginoon sa St. Joseph the Worker Parish kasama ang Grade 10 completers, Grade 12 graduates (Academic–HUMSS, ADM–RFS), at awardees mula Grade 7–11 ng Happy Hollow National High School.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Florito Apalias ang banal na misa noong Marso 30, 2026, 2:00 PM. Ipinahayag niya ang pasasalamat sa gabay ng Panginoon na naging sandigan ng mga mag-aaral sa kanilang pagsusumikap, lalo na sa mga hamon. Di malilimutan ang pagtatapos na ito dahil ito ang unang pangkat ng RFS–ADM graduates, simbolo ng pag-asa at tiyaga.
Ang okasyong ito ay patunay na sa tulong ng Panginoon, maaaring makamtan ang bawat pangarap.
Kuhang larawan ni Bb. Aries L. Busacay at Mary Joyce V. Torres
Taos-Pusong Pasasalamat
Salamat sa lahat ng nakiisa sa Graduation at Recognition Program ng Happy Hollow National High School, Sa mga bisita mula sa mga ibat-ibang institusyon, Sangguniang Pambaranggay ng Happy Hallow , mga miyembro ng SPTA lalo na ang mga magulang ng Grade 10 at 12, g**o, non-teaching staff, Punong G**o Dwight B. Milan, at Gng. Jonalyn B. Mangili, Gng. Marilyn S. Api-it (EPS-Fil) , Bb. Rheinick M. Caparas (EPSA)
Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating pagkakaisa. Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat! Sana’y patuloy ang inyong suporta sa susunod na makabuluhang taon.