15/06/2026
๐ขPormal na Pagpapalit ng Pamunuan ng SSLG sa Happy Hollow National High School
Matagumpay na isinagawa ang pagpapalit ng pamunuan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Happy Hollow National High School para sa Taong Panuruan 2026โ2027 kasunod ng flag ceremony noong Hunyo 15.
Sa pangunguna ng Punongg**ong si Dwight B. Milan, nanumpa ang mga bagong halal na opisyal sa pamumuno ni Kynsha L. Wansi bilang bagong pangulo ng SSLG, na pormal na humalili kay Jammellert C. Cueto, pangulo para sa Taong Panuruan 2025โ2026.
Sa kanyang talumpati, nagpahayag si Cueto ng taos-pusong pasasalamat sa mga kapwa opisyal, punongg**o, g**o, at mag-aaral na naging katuwang niya sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa ng SSLG. Kinilala rin niya ang naging paggabay ng dating SSLG adviser na si Sir Quezon G. Estigoy.
Ipinakilala naman si Sir Jayvee L. Lee bilang bagong SSLG adviser na gagabay sa mga bagong lider ng paaralan.
Nangako ang mga bagong opisyal na gagampanan ang kanilang mga tungkulin nang may katapatan, integridad, at pananagutan. Binigyang-diin din ng bagong pangulo ang kahalagahan ng pagkakaisa, aktibong pakikilahok, at bukas na pamumuno para sa kapakanan ng buong komunidad ng paaralan.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang kanilang pangako ng tapat, bukas, at makabuluhang paglilingkod para sa bawat mag-aaral.
Kuhang larawan nina Rose Lily W. Manganip, Krisha S. Facsoy at Ma'am Melanie L. Falicao๐ธ๐ธ๐ธ