27/08/2026
SPTA OFFICERS Nagkaloob ng Metal Detector sa DAHBES
Bilang tugon sa pangangailangan ng karagdagang kagamitan para sa kaligtasan, nagkaloob ang mga SPTA Officers 2026-2027 ng isang metal detector para sa paaralan at pormal na ipinagkaloob kamakailan sa punong-g**o ng DAHBES na si Gng. Florida F. Cael.
Ayon sa mga opisyal ng SPTA, layunin ng donasyon na makadagdag ng mga kagamitang pangkaligtasan sa paaralan. Nais nilang makatulong sa paaralan at para mas maging ligtas at panatag ang mga estudyante at g**o habang nasa loob ng paaralan.
Ang naturang kagamitan ay donasyon mula sa lahat ng mga miyembro ng SPTA officers. Pinagsama-sama nila ang pondo upang makabili ng metal detector na magagamit sa regular na pag-iinspeksyon at pagmomonitor sa mga pumapasok sa paaralan.
Sa inisyatibong ito ng SPTA, naipapakita na ang aktibong partisipasyon ng mga magulang ay susi sa paglikha ng isang paaralang mas ligtas, maayos, at kaagapay sa pagkatuto ng mga mag-aaral.