16/09/2025
Palarong Pambarangay 2025 β βThe Opening Dayβ
π
Setyembre 13, 2025
π Baguio City National High School
π― Tema: βIgniting Barangay Spirit Through Sportsβ
________________________________________
Noong ika-13 ng Setyembre 2025, sama-samang ipinagdiwang ng Lungsod ng Baguio ang opisyal na pagbubukas ng Palarong Pambarangay 2025, isang makulay at masiglang okasyon na naglalayong buhayin ang diwa ng palakasan, pagkakaisa, at pagkakabuklod sa 128 barangay ng lungsod. Ang araw na ito ay naging hudyat hindi lamang ng pagsisimula ng mga paligsahan sa basketball at volleyball, kundi pati na rin ng isang makabuluhang pagpupulong sa pagitan ng mga lider ng barangay at ng pamahalaang lungsod.
Magandang Samahan: Kolaborasyon ng Liga ng mga Barangay (LIGA) at City Mayorβs Office β Special Services Division (CMO-SSD)
Kasabay ng pagbubukas ng palaro ay isinagawa ang βMagandang Samahan: Kolaborasyon at Pagpapalitan ng Kaalaman sa pagitan ng Liga ng mga Barangay (LIGA) at City Mayorβs Office β Special Services Division (CMO-SSD)β. Layunin nito na higit pang pagtibayin ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang tanggapan para sa ikauunlad ng mga barangay.
Binigyan ng mainit na pagtanggap ang mga dumalong kinatawan, sinundan ng pagpapakilala at pagbabahagi ng kani-kanilang mga layunin at kasalukuyang programa. Kapwa kinilala ng dalawang panig ang kahalagahan ng matatag na ugnayan, bukas na komunikasyon, at kolektibong aksyon. Bilang bunga ng kolaborasyon, nabuo ang ilang konkretong hakbang para sa patuloy na kooperasyonβkabilang na ang regular na pagpapalitan ng impormasyon, pagbabahagi ng best practices, at pagtutok sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat barangay.
Sa Pagbubukas ng Palaro, masayang selebrasyon ng Palarong Pambarangay 2025 ay ipinamalas ng bawat barangay ang kanilang pagkakaisa at sigasig sa pamamagitan ng makukulay na delegasyon at masiglang parada. Ang pagbubukas ng palaro ay pinangunahan nina Engr. Leandro Tabilog, kinatawan ng butihing Punong Lungsod ng Baguio, at Councilor Joel Molintas, na kapwa nagbigay ng inspirasyonal na mensahe para sa mga kalahok.
Namayani rin ang presensya at suporta ng Liga ng mga Barangay β Baguio Chapter, sa pangunguna ni Punong Barangay Rocky Aliping, na naging pangunahing tagapagtaguyod at gabay ng programa mula simula hanggang katapusan.
Lubos ang pasasalamat sa lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na kaganapang itoβsa mga manlalaro, coaches, muses, committee members, volunteers, at buong komunidad. Ang kanilang dedikasyon at oras ay nagsilbing pundasyon ng tagumpay ng programa.
Isang espesyal na pasasalamat rin ang ipinapaabot sa mga masisiglang Emcees, sina PB Levy Orcales at PB May Gonzales, na naging susi sa maayos at masayang daloy ng buong programa.
Maituturing na lubos na matagumpay ang parehong aktibidadβang Kolaborasyon at ang pagbubukas ng palaro. Ito ay patunay ng kahalagahan ng pakikipagtulungan at pagkakaisa, tungo sa mas progresibo, inklusibo, at masiglang pamayanan.
/SSD-CMO