14/09/2026
๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐๐ข๐จ๐ฆ ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ง๐ฌ
Bilang pakikiisa sa National Breastfeeding Awareness Month, nagsagawa ang City Health Department ng Simultaneous Breastmilk Letting Activity, na dinaluhan ng mga breastfeeding mothers at breastmilk donors mula sa ibaโt ibang barangay ng ating lungsod.
Bago ang donation, sumailalim ang mga donors sa kinakailangang screening upang matiyak na sila ay kwalipikado at ligtas na makapag-donate ng kanilang breastmilk. Nagkaroon din ng maikling nutrition lecture on breastfeeding upang higit na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok tungkol sa kahalagahan ng pagpapasuso at pagbibigay ng breastmilk sa mga sanggol.
Sa isinagawang aktibidad, umabot sa 51,943 mL ang tinatayang dami ng breastmilk na nakolekta. Ang mga nakolektang breastmilk ay nakatalagang i-donate sa Caloocan City Medical Center at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital and Human Milk Bank, kung saan ito ay makatutulong sa mga sanggol na nangangailangan ng breastmilk.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng ating breastfeeding mommies at breastmilk donors na bukal sa puso ang pagbabahagi ng kanilang breastmilk upang makatulong sa mga sanggol na nangangailangan. Ang inyong malasakit at pagiging handang tumulong ay tunay na kahanga-hanga. Saludo kami sa inyong lahat! ๐ซถ๐ป
Maraming salamat din sa ating mga Barangay Nutrition Committees na nagbigay ng kanilang buong suporta at naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Sama-sama nating palakasin ang kultura ng pagpapasuso at patuloy na suportahan ang bawat breastfeeding mother. ๐๐คฑ๐ป